Chapter 18

2.4K 56 26
                                    

I was about to sleep but my phone sounded. I have a message from Chance.

Chance:
cj, naaalala mo si eloisa? 'yung kaaway mo?

I typed my reply.

Me:
Yes. What about her?

Chance:
ayun! nagpabayad para makalabas sa kulungan. buntis na raw ngayon

My forehead creased. Saan niya naman nalaman ang balita na 'to?

Me:
Where did you get that news?

Chance:
nasagap ko lang, mahal. basta buntis na raw 'yan. huli ka na naman sa chismis

Me:
Ewan ko sayo. Matutulog na ako.

Chance:
goodnight, love. sweeet dreams! i love you, loml <33

Napakunot ang noo ko. Anong pinagrereply nito?

Me:
Loml?

Chance:
Love of my life ❤️🦋

I automatically smiled. Hindi na ako nag reply dahil baka hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Two weeks ago na simula nang umuwi kami galing sa Boracay.

Busy siya pero may time naman siya sa akin. Niyakap ko si Kitty at Cathy saka pumikit.

Kinabukasan ay nakita ko si Dominic. Naka doctor's gown pa siya. Lumapit siya sa akin.

"May sakit ba si Chance?" tanong niya habang nagkakape.

My brows furrowed. "Huh? Wala. He's healthy."

"Palagi ko kasi siyang nakikita sa ospital. Mukhang may dinadalaw siya ro'n," aniya at kinuha ang newspaper sa maliit na lamesa.

Dinadalaw? Could it be Selene?

Hindi na ako nagsalita. I was about to eat breakfast but I suddenly wanted to throw up. Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina at sumuka pero wala naman akong maisuka.

"May sakit ka?" Hinipo ni Dominic ang noo ko kaya mabilis kong tinabig ang kamay niya. Nilagpasan ko siya.

"I'm not in the mood right now, Dominic," I said.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya sinabi ko sa kanyang lalabas na lang ako kasama si Kitty at Cathy. Hawak ko ang tali nila para hindi sila makalayo.

Naglalakad-lakad lang ako at nakasalubong ko si Nessia.

"Hi, Cj!" bati niya at kinuha ang tali ni Cathy. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

Tamad lang akong nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong energy para awayin ang babaeng 'to kaya hinayaan ko na lang siya.

"Hindi ka naka jogging attire. Sa'n lakad mo? Nakapambahay ka lang, e," aniya pero hindi ko siya nilingon.

"Don't talk to me," walang gana kong sambit.

"Bakit namumutla ka naman?" tanong niya kaya pagod akong tumingin sa kanya.

"Huwag mo muna akong kausapin. I'm not in the mood. Sumabay ka na lang d'yan," mahinang sabi ko kaya napanguso siya at tumango.

"Oo nga pala, Cj! Preggy si Eloisa!"

"I know," mahinang sabi ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon