Chapter 5

2.7K 70 6
                                    

"Hmm... Hindi ka ba naiilang?" mahinang tanong niya sa akin. Ngumisi ako.

Nasa kama na kami pareho at magkaharap. Nararamdaman ko ang pagkailang niya sa akin at gusto kong matawa pero pinipigilan ko.

"No. I'm pretty so I wouldn't feel awkward," I said. "Kung pangit ako, maiilang ako."

"Anong toothpaste mo, Cj?" mahinang tanong niya pa rin.

"Why?"

"Ang bango ng hininga mo."

Ngumiti ako at mas lumapit sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya. "O-oy! Ba't ka lumalapit ha?" Lumayo siya sa akin.

Lumapit ako at hinigit ang bewang niya palapit sa akin. "I want to eat you."

His eyes widened. "Ano ba!" he yelled.

Tumawa ako at pinakawalan siya. "I was not kidding, okay? I really want to eat..." Bumaba ang tingin ko sa gitna ng mga hita niya at ngumisi. "You..."

"CORDELIA JOZELLE JUSKO NAMAN!"

Pumikit ako dahil nakakaramdam na ako ng antok. "I'll take a rest. You can watch me if you want. Good night, Chance..." I whispered.

Wala na akong narinig na sinabi niya pero nararamdaman ko ang paghinga niya. Hindi na ako dumilat dahil mas gusto ko na lang siyang pakiramdaman.

"Good night... Cordelia..." he seriously whispered.

Unti-unti akong dumilat at nakita kong nakapikit na siya. I was staring at him. Pinag-aaralan ko ang bawat parte ng mukha niya. I don't want to forget every part of him.

"You are my puppet, Chance... ako lang ang susundin mo," seryosong sambit ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na tili ni Chance. Agad siyang tumingin sa akin. "Bakit magkatabi tay—oh shoot! Pumayag nga pala ako!" Hinampas niya ang noo niya.

"Don't worry. Wala ka pang pinuputok sa'kin," nakangiting sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Kadiri ka talaga!" Tinalikuran niya ako at pumasok sa cr kaya lumawak ang ngisi ko.

Kinuha ko ang night robe at lumabas. Nakalugay ang mahaba kong buhok. Saktong dumating si Dominic na may hawak na kape at lumapit siya sa akin.

"Did you sleep well?" he asked. Uminom siya ng kape.

I nodded. "Yeah, I slept well. I slept with Chance."

"Yuck!" sigaw ko nang ibinuga niya sa gilid ko ang kapeng iniinom niya.

"Fuck, I'm sorry, Ma'am Cj!" mabilis niyang sambit kaya inis kong tinanggal ang night robe ko.

Naiwan sa katawan ko ang sleeveless violet silk dress. "Kadiri ka naman. Lagay mo 'to sa laundry." Inabot ko sa kanya ang nightrobe.

Kinuha niya 'yon sa akin pero hindi pa siya umaalis sa harapan ko kaya inis ko siyang tinignan. "What? Do you have something to tell me?"

"H-huh? Wala. Ilalagay ko lang 'to sa laundry." Mabilis na niya akong tinalikuran.

Pinasadahan ko ang buhok ko habang inaalala na kasama kong matulog si Chance kagabi. Mabilis lang talaga siyang paikutin.

"I didn't know he would sleep in your room," mahinang sabi ni Dominic nang nasa dining area na kami para mag almusal.

"Same. 'Di ko rin alam," sabog na sagot ni Chance habang tulalang nakatingin sa pagkain niya.

"Next time we will have sex—" Naputol ang sasabihin ko nang nilagyan ni Chance ng saging ang bibig ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon