Chapter 8

2.2K 67 8
                                    

"Are you just friends?"

He looked at me for a seconds so I raised a brow. Muling tumingin si Chance sa camera at ngumiti saka ako inakbayan. "Syempre! Kaibigan ko lang si Cj!"

Poker face akong nakatingin sa kanya. I don't really like this idea. Nag pa-question kasi siya sa Instagram at dito sa Youtube sasagutin.

"We're just friends?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

He laughed. "Oo kaya!"

"Okay. Read the next question," I lazily said.

Napakamot siya sa ulo at tumingin sa phone niya. Napangiti siya.

"Cj, para sa'yo 'tong tanong!" excited na sabi niya kaya hinintay kong basahin niya.

Tumango ako.

"Name something that you could eat everyday and never get tired of," si Chance.

Tumingin siya sa akin kaya seryoso ko siyang tiningnan. Tumaas ang isang kilay niya.

"Wala ka maisip?" he asked.

I shook my head. "I have one," I said, looking straight into his eyes.

He nodded. "What is it?" excited na tanong niya.

"Repeat the question," I said.

Tumingin siya sa phone niya. "Name something that you could eat every day and never get tired of."

"Chance Kyro fucking Enrique," diretsong sambit ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"A-anong ako?! K-kinakain nga! Pagkain!" sigaw niya.

"Why? I will eat your hotdog soon. That would be my favorite foo—" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.

"EDIT OUT!!" malakas na sigaw niya at hinila ako patayo at palabas ng kwarto ko.

"Ano ba!" sigaw ko.

"Cj, naman! Ang bastos no'n!" sigaw niya rin.

"Anong bastos do'n?!"

"You know that!" sigaw niya.

"Anong you know that?! May sinabi ba akong tite?! Kan—" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.

"You're hard to tame, Cj..." naging maamo ang boses niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Bahagyang napakunot ang noo ko pero hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa bibig ko. He was still seriously looking at me.

"What are you doing?" seryosong tanong ko kaya tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko.

"Wala. 'Wag mo na ngang sabihin 'yon!" sigaw niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Alin? 'Yung ti—"

"Ano ba!" sigaw niya at hinarap ulit ako.

Bumuntong-hininga ako at umikot ang mga mata. "Oo na! Oo na!" sigaw ko kaya inis siyang naglakad palayo sa akin.

"Tite!" pang-aasar ko kaya napatigil siya sa paglalakad.

Napangisi ako nang makita ko ang paggalaw ng balikat niya dahil sa pagbuntong-hininga.

Yumuko ako habang tumatawa at napapailing.

Pero napaangat ang tingin ko nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at inilapit sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya niyang itinagilid ang mukha ko at mukha niya na para bang hahalikan niya ako.

Biglang kumalabog ang puso ko. Halos magdikit ang mga labi namin kaya napapikit ako pero ilang sandali lang ay hindi ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon