Chapter 10

2.6K 69 5
                                    

"Cj, pogi ba ako?"

Napatigil ako sa pagrereview nang marinig ko ang itinanong ni Chance. He was sitting on my bed. Nilalaro niya si Kitty at Cathy. Nakaupo ako sa swivel chair at tumingin sa kanya.

"Nag dodroga ka? 'Wag mo nang itanong ulit 'yan. Tigil mo 'yan, ah," sabi ko at itinuloy ang pag rereview.

"E, bakit ang daming naghahabol sa'kin na babae kung 'di ka nagagwapuhan sa'kin?" may pagtataka sa boses niya.

I didn't look at him. Nakatingin lang ako sa makapal na libro na binabasa ko. "Mataas ang standards ko. Hindi ako pumapatol sa buang."

"Luh! Ang sama mo, Cordelia! Kapag ikaw na-fall sa'kin hindi kita sasaluhin!" sigaw niya.

"Edi 'wag. Balibagin pa kita, e," tamad kong sabi at hindi na siya binalingan ng tingin.

"Tss!"

Pinagpatuloy ko ang pagrereview.

"Cj," rinig kong tawag sa akin ni Chance pero hindi ko siya pinansin.

"Oy, Cj!"

Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Cordelia!"

Bahala ka riyan.

"Cordelia Jozelle Laferdez!"

"ANO PUKING INA SUSUSO KA BA?!" malakas na sigaw ko nang tiningnan ko siya.

Halata ang gulat sa mukha niya. Nakita ko ang paglunok niya. "S-susu—HOY!" sigaw niya. "A-ano bang pinagsasabi mo?! T-tinatawag lang kita, e!" naiilang na sigaw niya.

"Tss. Bakit ba?" inis na tanong ko.

"Kasi 'to!" Ipinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. "Sinearch ko meaning ng name mo. Cordelia means heart; daughter of the sea..."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Was he curious about the meaning of my name?

"Ang ganda! Daughter of the sea!" sigaw niya kaya inikot ko na lang ang mga mata ko at nag review na ulit.

"Tapos ang Jozelle ay pledge. Ang ganda ng pangalan mo! Kasing ganda mo..." Humina ang boses niya sa huling sinabi kaya napangisi na lang ako.

Pagtapos ng ilang oras na pag rereview ay tumingin ako sa kama. I thought he was gone but my brows furrowed when I saw him sleeping with Cathy and Kitty.

Tinanggal ko ang salamin ko at inilapag 'yon sa lamesa. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Inayos ko ang kumot sa katawan ni Chance pero napatigil ako nang bigla siyang nagising. Kinusot niya ang mga mata niya kaya umayos ako nang tayo.

"You done?" tanong niya.

I nodded. "Yes. Bakit 'di ka pa umaalis?"

Tumayo siya at tiningnan ang study table ko pagkatapos ay tumingin sa akin. "Hinintay kitang matapos. Baka kasi napagod ka kakareview. Gusto kitang yayain kumain sa labas, e," sagot niya.

Nagulat ako. Did he just wait for me? He waited for 6 goddamn hours.

"Is it my treat?" I asked.

"Hindi. Libre ko. Ano, tara?"

I looked at myself. "Hmmm. Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko dahil naka pajama at sando lang ako.

"Sige! Simplehan mo lang ah!"

Pumunta na ako sa walk in closet at nagbihis. I'm now wearing a white t-shirt and blue high-waisted jeans. Tinuck-in ko ang damit sa jeans at sinuot ang puting sneakers at tinali ang lahat ng buhok ko. It's ponytail.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon