Chapter 34

5.9K 92 18
                                    

hi, this is the last chapter and the next part will be the epilogue. taming the wild waves is like a roller coaster ride so thank you for riding with cj and chance! <3

-

Nagising ako nang maramdaman kong may bumuhos na malamig na tubig sa akin. Agad kong nakita si Diego at ang isang babaeng hindi ko kilala. Mukhang ka-edad niya ang nanay ko.

I tried to move but I failed. Nakaka-kadena ang mga kamay at paa ko.

"Siya ba ang kabit?" tanong ng babae kay Diego at tinuro ako.

Kabit? Kailan pa ako naging kabit?

"Yes, madame Stella," sagot ni Diego.

Lumapit sa akin si Diego at sinakal ako. "Dito ka na mamamatay, Cordelia. You can't have a happy ending." He smirked.

"Fuck you." Dinuraan ko siya sa mukha.

Nagulat siya sa ginawa ko at napasigaw ako nang malakas niya akong sinampal. Narinig ko ang pagtawa ni Stella.

"Easy, Diego. Ako ang haharap sa kabit ni Chance." Lumapit sa akin ang babae at hinawakan ang dalawang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.

"Hindi ako kabit!" sigaw ko.

"Talaga? Manang-mana ka sa nanay mo. Pareho kayong kabit." Naramdaman ko ang kuko niyang bumaon sa pisngi ko.

"Putangina mo!" sigaw ko sa kanya.

She laughed crazily. Para bang wala lang sa kanya na minura ko siya.

"Giselle died but she's still Chance's wife. Ikaw? Kabit ka!"

Ito ba ang puking inang nanay ng kapatid ko?

"Chance was right. You're crazy," nakangising sambit ko kaya malakas niya akong sinampal.

"Hiwalay na sila! Matagal na silang hiwalay! Hindi na sila kasal!" galit kong sigaw.

"Yeah. I'm crazy! Baliw na ako kaya papatayin kita ngayon!" sigaw niya.

Natahimik ako. Aaminin kong nakakaramdam ako ng takot. Ayokong mawala dahil ngayon na lang ulit ako sumaya. Ayokong iwanan ang pamilya ko.

"Ah!" sigaw ko nang sinabunutan ako ni Diego.

Tumulo ang luha ko nang sunod-sunod akong sinampal ni Stella. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong sinampal pero ramdam ko ang paghapdi ng magkabilang pisngi ko at ang dugo sa gilid ng labi ko.

Diyos ko po... tulungan niyo ako.

"Chance is only for my daughter! Kabit ka!" sigaw niya.

Seryoso ko siyang tiningnan. "Alam mo? Kung naririnig ni Chance ang pagtawag mo ng kabit sa akin? Baka pumatol siya sa babae at saktan ka," I emphatically said.

Muli niya akong sinampal. "Bitch!" sigaw niya at binitawan na ni Diego ang buhok ko.

"Crazy!" sigaw ko.

"Mang-aagaw!"

"Pangit!" ganti ko.

Natigilan siya. "Ano? Pangit ako? Pangit ako, ha?!"

"OO! ANG PANGIT MO! MUKHA KANG NANA! MUKHA KANG KULUGO! ANG PANGIT PANGIT MO!"

Seryoso siyang tumingin sa akin. Hindi siya nagsasalita kaya kinabahan ako dahil baka bigla niya na lang akong saksakin o 'di kaya ay barilin.

"Joke lang," mahinang sabi ko at yumuko.

"Pahirapan mo 'yan pagkatapos itapon mo sa dagat."

Umangat ang tingin ko sa babae dahil sa sinabi niya. Nanghina ako. Dito na ba ako mamamatay? Tinalikuran na niya kami at naglakad.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon