Chapter 22

11.6K 149 57
                                        

"Hindi naman porque gusto ka ng isang tao... gusto ka pa rin niya hanggang dulo. Nagbabago ang mga tao... at ganoon din ang mga nararamdaman nila."

Inabutan ako ni Nessia ng isang tasa ng tsaa. Naamoy ko iyon. But I just looked at her. She raised a brow.

"Bakit? Don't you like tea?" she asked.

I shook my head. "Can I ask you a question?"

Binawi niya ang tasang hawak niya at umupo sa tabi ko. "Ano ba 'yon?"

"Pinipilit ba ang pagmamahal?"

She laughed and I was just looking at her. Maybe if I wasn't hurt, I would laugh, too. Hindi ko inaasahan na magmamahal ako at masasaktan ng sobra pa sa pagmamahal na ibinigay ko. Sobra ang pagmamahal... pero mas sobra ang sakit na nakuha ko dahil sa pagmamahal na 'to.

"Bakit mo pipilitin ang pagmamahal? Hindi pinipilit ang pagmamahal, Cj. Kung pilit 'yan, hindi 'yan pagmamahal. Bakit? Magmamakaawa ka kay Chance? Tanga ka?" She crossed her arms across her chest.

Umiling ako. "Hindi ako tanga... nasasaktan lang ako..." mahinang sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.

Gusto kong magalit kay Chance... bakit sa dinami-rami ng tao... kapatid ko pa? Sobrang pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako sinasaktan nang ganito.

"Cj, alam mo? Hindi mo kailangang magmakaawa sa kanya. You weren't born to please anybody. You were born for yourself. Kung sinaktan ka, tanggapin mo 'yung sakit. That pain will make you stronger... pero hindi mo kailangang magmakaawa sa taong dumurog sa'yo. Hindi mo kailangang magmakaawa sa taong piniling magmahal nang iba." She stood up.

Napayuko ako. Ito na naman 'yung mga nagbabadyang luha. Akala ko masyado lang OA ang mga taong iniiwan, pinagtatawanan ko pa sila noon dahil wala ako sa posisyon nila pero totoo pa lang masakit. Sa sobrang sakit, gugustuhin mo na lang na mamatay.

He was with me at times when I needed someone. He was there... and now that he's gone... I feel alone again. Balik sa umpisa. Back to zero. Naubos.

"Ma'am Cj..."

Napalingon ako kay Dominic. He was wearing a fitted black t-shirt and jeans. Magulo ang buhok niya. He was walking towards me.

"Sasamahan kita sa check up mo bukas," aniya pero nakatitig lang ako sa kanya.

"I know you're hurt but you need to think of your child. Don't be selfish..." he added.

You were with me for years... bakit hindi na lang ikaw ang nagustuhan ko, Dominic? Alam kong kailanman ay hindi mo ako sasaktan.

"Sige..." iyon na lang ang nasabi ko. "I'll take a rest upstairs." Umakyat na ako sa taas.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero 'yung sakit, parang kahapon lang. Hindi na talaga nagparamdam si Chance. Mukhang masaya na talaga siya sa pinili niya.

Hindi ako mapakali. Gabing-gabi na. Ni hindi ako makatulog kaya tinawagan ko si Chance. Hindi ako magmamakaawa sa kanya. Gusto ko lang siyang makausap sa huling sandali. Ayokong maghiwalay kami na may samaan ng loob.

Dati ayokong sumaya... pero ngayon gusto ko nang maging masaya. Gusto kong maging masaya para sa sarili ko. Ako naman. Sarili ko naman.

Pumayag siyang magkita kami dahil sinabi kong huli na. Mabilis akong kumilos para pumunta sa kanya.

I was waiting for him. Gabi na at nilalamok na ako. Ang tagal niya. Noong una ay akala ko hindi na siya pupunta pero nang marinig ko ang boses niya ay mabilis akong napatingin sa kanya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Where stories live. Discover now