Chapter 20

4.4K 87 38
                                    

"Cj, gusto mo ba shopping tayo?" excited na tanong ni Jorreah nang makaupo siya sa kama ko.

"Hmmm. Gusto kong gawin pero... ang sama kasi ng pakiramdam ko," mahinang sabi ko.

"Ah sige. Next time na lang," aniya at tatayo na sana pero hinawakan ko ang palapulsuhan niya.

"Jorreah, may sakit ka ba? Sobrang payat mo at... namumutla ka," sambit ko dahil simula nang magkita kami ay maputla siya. Ngayon ko lang sinabi.

"H-huh? Wala! Ganyan talaga maputi kasi ako. S-sige na, babalik muna ako sa baha-"

"Don't you want to stay here? Malaki ang bahay ko," I said.

"Next time? May trabaho pa kasi ak-"

"I can provide your needs," I immediately said.

She smiled and shook her head. "Hindi ako aasa sa'yo, Cordelia. I looked for you not because you're rich. I looked for you because you are my sister. Kaya ko na 'to. Babalik ako mamayang gabi." She moved closer to me and kissed my forehead. "Magpahinga ka na," aniya pa at inayos ang kumot sa katawan ko.

The day after tomorrow is our monthsary. I will tell to Chance that I'm pregnant. That I'm carrying his child.

Nakatulog ako at nang magising ako ay nakita ko si Chance sa gilid ko. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.

"Oh you're he—wait. Did you cry?" My eyebrows met.

"Hindi. Napuhing ako kanina bago ako pumunta rito. Nakatulog ka ba nang maayos?" mahinahong tanong niya.

I nodded so he smiled. "Anong gusto mong gawin? Gusto mo ba lumabas? I'll go with you, love," he softly said.

Napangiti ako. Hindi mainit ang ulo niya ngayon. Mabilis ko siyang niyakap. "I missed you, Chance..." I feel like I will cry anytime. Namiss ko lang ang pagiging malambing niya.

Nagiging iyakin na rin ako dahil sa pagbubuntis ko.

He hugged me and kissed my head. "Namiss din kita, Cj. Sorry sa lahat," mahinang sambit niya.

I looked at him. "Lumabas tayo sa monthsary natin?" nakangiting suggestion ko.

He smiled again. "Sige." Hinalikan niya ang noo ko.

"Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita," aniya.

Mabilis akong tumango kaya hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba. Napakunot ang noo ko nang makita si Nessia na nanonood ng t.v.

"What are you doing here?" I asked.

"Nanonood. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya at akmang hahampasin ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Of course I'm here because this is my house. Wala ba kayong t.v?" tanong ko at tumabi sa kanya sa sofa. Si Chance ay dumiretso na sa kusina.

"Te kanina pa ako rito. Nakita ko 'yung kapatid mo. Parang may sakit," she said.

"Oh? Did she greet you?"

"Oo! Tinawag akong katulong! Do I look like a fucking maid? May katulong bang naka Balenciaga shoes?!" inis na sabi niya.

I looked at her from head to toe. She looks like a maid. Joke. "Hindi ka naman mukhang katulong," sabi ko.

Nagulat ako nang kumapit siya sa braso ko. "Oh 'di ba?! Hindi! Gaga 'yang kapatid m—peace." Nag peace sign siya nang makita ang seryoso kong tingin sa kanya.

Kinuha ko ang remote at inilipat na lang sa iba ang palabas. Hindi naman siya nagreklamo. Hindi siya mukhang nandito para manood lang ng t.v. She just want to be here.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon