Chapter 14

2.2K 51 11
                                    

We decided to be in a relationship. Panatag ako dahil alam kong hindi niya ako iiwan. My anxiety every night was gone because of him. Nakakalimutan ko rin lahat ng pinoproblema ko dahil palagi niya akong pinapasaya. I don't want to let him go. I want to hold his hand until the end.

Inalagaan niya ako kahapon dahil daw may sakit ako at ngayon ay magaling na agad ako.

"'Wag mo na ngang awayin si Eloisa. Hayaan mo na 'yon."

Napatigil ako sa pagsusulat nang magsalita si Chance. Nandito kami sa study table ko. Nakaupo siya sa harap ko at may binabasa.

Inayos ko ang salamin ko at humalukipkip. "Kinakampihan mo ba siya?" masungit na tanong ko.

Mabilis siyang tumingin sa akin. "Huh? Hindi! Ang akin lang naman ayokong nakikipag-away ka," mahinahong sabi niya.

"Eh, mukha siyang garapata, e," inis na sabi ko.

Bigla siyang natawa. "Garapata amputa!" Lumakas ang pagtawa niya kaya tamad lang akong nakatingin sa kanya.

"Anong nakakatawa, Chance? Totoo naman!" I rolled my eyes.

"Wala! Ang cute lang ng pagkakasabi mo. Ulitin mo nga bilis," excited na sabi niya.

"Garapata," pag-uulit ko.

"Isa pa! Isa pa!"

"Garapata."

"Uto-uto mo naman, Cj!" Malakas siyang tumawa.

Naging seryoso ang mukha ko. "Ginagago mo ba 'ko?"

Mabilis siyang tumigil sa pagtawa at inayos ang boses niya. "No, ma'am," mabilis na sagot niya.

"Tss." Pinagpatuloy ko na ang pag rereview.

Bumalik kami sa tahimik. Nagbabasa lang siya at ganoon din ako. Maya-maya ay tumalon ang dalawang pusa sa amin kaya niyakap ko si Cathy.

"Why? Are you hungry?" I asked.

Dinilaan niya ang pisngi ko kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. "My cheek isn't food!" sigaw ko.

"Cj, 'wag mo sigawan. Matatakot 'yan," ani Chance kaya napatingin ako sa kanya.

I pouted. "Kadiri kasi 'yung laway, e."

Binuhat niya si Kitty at tumayo. "Pakainin na natin 'tong mga anak natin. Baka nagugutom na..."

Napatitig lang ako sa kanya. Nagandahan kasi ako sa sinabi niya. Mga anak natin. Napangiti ako at tumayo.

Pinakain namin si Cathy at Kitty. Nakatitig lang kami sa kanila nang magsalita na naman siya.

"Gusto mo labas tayo?" tanong niya.

"Sure!" excited na sagot ko. "Magbibihis lang ako!" mabilis na sabi ko at pumunta na sa walk in closet ko.

I wore my maroon long sleeve dress. Pagkatapos ay ang maroon tacones altos. Inipon ko ang lahat ng buhok ko at binilog 'yon bago itali.

Dinampot ko ang flap bag ko at lumabas na. "I'm ready na, Chance!"

Napatingin siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya.

"'Yan susuotin mo?"

Nakangiti akong tumango.

Lumapit siya sa akin kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Sobrang ikli—"

"I don't like guys meddling with my outfit. I will wear what I want to wear," mabilis na sambit ko sa seryosong boses.

"Hindi naman kita pagpapalitin. Hindi ko rin sasabihin sa'yo kung anog dapat mong suotin. Sinasabi ko lang na maikli kasi... maraming lalaking titingin sa hita mo." Napaiwas siya ng tingin habang nakahawak sa batok niya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon