Chapter 4

2.9K 69 5
                                    

The rain kept falling all over my body but I didn't care. It was falling at the same time as my tears were falling. Puno ng takot ang dibdib ko. I feel like I was back to the old times... when I was terrified to death.

I am soaked. Sobrang nilalamig na ako pero mabagal pa rin akong naglalakad sa kalsada. Mas lalong lumalakas ang ulan.

"You can't escape me, Cordelia..." She caressed my face.

Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. This woman will kill me.

"L-let me go... please..." nagmamakaawang sambit ko.

Goosebumps prickled my skin when she crazily laughed. "I will! I will let you go, of course!" She smiled. "Are you hungry? What do you wanna eat, my lovely daughter?"

Humigpit ang kapit ko sa bedsheet dito sa kwarto. Sa tingin ko ay nasa bahay niya ako. I shook my head. "Mom, please... pakawalan mo na ako," mahinang sambit ko pero napasigaw ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang buhok ko.

Tumulo ang luha ko.

"What are you saying, Cordelia?! You're fucking free!" Nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko nang mas hinigpitan niya ang pagkakasabunot sa akin.

"You killed your father, remember? You killed my husband!" Binitawan niya ako at umarteng parang naiiyak.

"Y-you killed my husband..." Humikbi siya.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at mahinang humikbi. Please... save me. Save me from this woman.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo, Cordelia?!" Napalitan ng galit ang boses niya.

Umiling ako. "N-no..."

"Look at me!" sigaw niya kaya humagulgol ako at tumingin sa kanya.

"Pinatay mo siya pero hindi ka pa rin nakukulong kaya anong sinasabi mong pakawalan kita?! Demon! Psychopath!" Malakas niya akong sinampal.

Psychopath... I'm not a pasychopath, mom.

Tumawa siya at huminga nang malalim. "Go home. We will see each other again, Cordelia." Muli niyang hinaplos ang pisngi ko kaya mabilis akong lumabas.

Napaupo ako sa kalsada. Ang lakas lakas ng ulan at hindi ko pa alam kung nasaan ako. Pagod na akong maglakad dahil kanina ko pa 'to ginagawa.

Bigla akong natawa nang mahina nang maalala ang sinabi ng babaeng 'yon.

"Psychopath?" natatawang tanong ko sa sarili. "E, hindi naman ako psychopath!" natatawang sambit ko habang pumapalakpak pa.

Napailing na lang ako at naglakad na ulit. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakarating sa bahay pero agad kong nakita si Dominic. He immediately ran towards me.

"Ma'am Cj, where were you? Are you okay?!" he asked. Hinila niya ako papasok sa loob.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. "I don't think I need to tell you where I went," I emotionlessly said and went upstairs.

Pagkatapos kong maligo ay binlower ko ang buhok ko. I can't call Chance right now because I don't have a phone. Naiwan ko na sa bahay ng babaeng 'yon.

Kinabukasan ay walang pasok. I was wearing a green shorts, green jacket and white sneakers. Inilagay ko ang hood ng jacket ko sa ulo at lumabas. Naglakad-lakad lang ako sa village to refresh my mind. Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko.

Biglang may kumalabit sa akin kaya kunot-noo kong nilingon 'yon at nakita ko ang batang babae na naka dress na pink at may lollipop sa bibig. Naka tirintas ang dalawang hati ng buhok niya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon