Chapter 2

4.2K 96 4
                                    

"What am I doing here?" I rolled my eyes around. I think I'm in the hospital but I wonder why I'm here.

"Ma'am—"

"Ma'am?" The question increased in my mind.

May kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Nagising na lang ako na nandito ako sa ospital pero hindi ko alam kung bakit. Napalunok ako.

"Ma'am, I'm Dominic..." Sinubukan niyang lumapit sa akin pero isiniksik ko ang sarili ko sa gilid para hindi niya ako malapitan.

"W-wala akong kilalang Dominic..." natatakot kong sambit.

He tried to hold my hand so I closed my eyes in fear. "D-don't move! Don't touch me!" Bumagsak ang luha ko at parang lalabas na ang puso ko sa kaba.

"I know what's happening to you, Ma'am Cj. Trust me, I won't hurt you," marahan niyang sambit.

My brows furrowed. "C-Cj? Erin ang pangalan ko," nakakunot noo kong sambit sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at tumango. "Okay fine, Erin... but please, calm down. I promise I won't hurt you." Lumapit siya sa akin kaya napalunok ako.

"W-why am I here? A-alam na ba ng mga parents ko na nandito ako? Please call them. Baka nag-aalala na ang pamilya ko sa akin," pagmamakaawa ko.

"I will. Sabihin mo muna sa akin ang nararamdaman mo. May masakit ba sa'yo?" kalmadong tanong niya.

Napatigil ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Dahan-dahang bumagsak ang tingin ko sa palapulsuhan ko at agad na kumunot ang noo ko dahil may bandage ito.

I immediately looked at him. "What happened to my wrist?" mabilis na sagot ko.

"Tinahi ko ang palapulsuhan mo... malalim ang sugat mo. Hindi ka pa makakalabas, magpahinga ka mun—"

"What happened?! Who hurt me?!" malakas na sigaw ko. "At bakit wala pa ang pamilya ko rito?! They're worried about me! Please call them." Humagulgol ako. Bakit hindi ko maalala kung paano ko nakuha ang sugat ko?

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko pero patuloy ako sa paghagulgol. Pilit kong inaalala ang nangyari pero hindi ko maalala. Parang sasabog ang isip ko.

"Calm down, Miss Erin. I'm a doctor and you'll be okay. Paparating na ang pamilya mo," aniya.

Tumango ako habang umiiyak. Nang kumalma na ako ay pansamantala niya akong iniwan. I looked at my wrist. Hindi ko talaga maalala kung saan ko nakuha ang sugat na 'to pero ayoko nang alalahanin dahil sumasakit ang ulo ko.

The last thing I remember is I was with my family. I was having a dinner with them and when I woke up, I am already here.

Pilit akong umiiwas sa pag-iisip kung paano ko nakuha ang sugat sa palapulsuhan ko pero hindi iyon maalis sa isip ko.

Did I hurt myself?

"But I would never do that. Where did I get this?" mahinang tanong ko.

Isinandal ko ang ulo ko at tumingala pero napatingin din ako sa pinto nang bumukas 'yon at nakita ko si Dominic.

"Miss Erin, your parents will be here—"

"Mom!" sigaw ko nang makita si Mama sa likod ni Dominic.

Mabilis na lumapit sa akin sila Mom and Dad kasama si Yeri. "What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Mommy at hinaplos ang pisngi ko.

"Ate, are you okay?" Yeri asked.

"I-I don't know... nagising na lang ako na nandito ako..." nakayukong sambit ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon