7

445 21 5
                                        

Capt. Guerrero's POV

Narinig ko ang pamilyar na tunog ng aking orasan, isang bagong umaga na naman ang sumibol. Tumayo ako sa aking kama at agad na tumungo sa lababo upang magsipilyo. Pumunta na ako sa hapag kainan at nagtimpla ang aking maiinom na kape nang mapansin ko ang pritong itlog na nasa lamesa. Malamang luto ito ni Sol, dinaanan ko ang kaniyang kwarto at saka kumatok, nang makalipas ang ilang segundo na walang sumasagot ay dahan dahan kong ibinukas ang pinto, tumambad sa akin ang isang tahimik at madilim na kwarto, wala na naman si Sol, hindi na ako nagulat.

Simula noong umuwi siya pagka galing sa puno ng Balete kung saan ginanap ang pag hatid kay Alexandra sa kaniyang pag subok ay hindi na siya kailan pa bumalik doon. HIndi na rin siya nagparamdam kanino man, palagi na lamang nakakulong sa kwarto at minsa'y umaalis pa sa hating gabi. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang nangyari doon, ang alam ko lang ay may mga nangahas na tumaligsa sa Lakan at ito ang naging dahilan ng laban. Ang laban na kumitil sa buhay ni Anton Trese. 

Hindi siya maka usap noon, pero nang lumipas ang panahon, bumalik na rin naman ang kanyang sigla, kung tutuusin ay mas naging pasaway pa nga siya pero mas gugustuhin ko pang mas maging pabibo siya kaysa maging walang kibo. Sumigla man siya ay naroon pa rin ang kanyang gawain na paglalayas, mas madalas na siyang umaalis ng bahay at kung tatanungin ko naman kung saan siya pupunta ang laging sagot niya'y "Diyan lang po". Minsan pa'y nakita ko siyang umuwi ng duguan, pero tulad ng dati hindi niya dugo ang nasa kaniyang katawan, katuwiran niya'y may tinulungan siyang mga tao nang atakihin sila ng mga halimaw. Ang tanging nagawa ko na lamang ay maniwala sa kaniyang sinasabi. 

Alam ko na may ginagawa siya at alam kong meron siyang lihim na tinatago pero ayoko siyang pilitin na sabihin sa akin ang kaniyang sikreto. Maghihintay at mag titiis na lamang ako hangga't kaya na niyang sabihin ang kwento ng kanyang buhay. 

Marami ring nag aalala para kay Sol, mula sa mga kapitbahay na mas malimit na niyang nabibisita hanngang sa mga dati niyang kasamahan kay na Anton, partikular na rito ang kambal. Biglaan na lang silang dumating sa aking bahay, nagpakilala na kakilala nila si Sol at tinatanong kung nasaan at ano nang kalagayan niya. Ang lagi ko namang sagot dito ay nagpaka layo layo muna siya dahil meron siyang inaasikaso, tulad ng hiling ni Sol sa akin hindi ko sinabi na dito pa rin siya nakatira, ewan ko ba kung ano mas tamang termino, mas tama ata ang salitang lumulungga dahil bihira ko na siya makita. Bihira man ang aming pagkikita, lagi pa rin naman niya akong inaalala, minsan pa'y nag bilin na tumawag ako sa kaniya kung may mangyari man sa akin. Ang bilis ng panahon, ngayo'y 25 anyos na siya at tila ba'y handa nang kumawala sa lungga niya.

Mabilis na lumipas ang oras, may dinala na namang tao ang aking mga tauhan, sinasabing lasing at hindi daw marunong rumespeto. Pinipilit kong ituro ang tamang gawi ng isang pulis, yung hindi nagpapa apekto sa mga pribelihiyo na mayroon siya.

Pumunta kami sa isang sementeryo matapos mag reklamo ang mga tao doon na nawawala ang mga bangkay sa kanilang kabaong. Akala ko'y gawa lang ito ng mga tarantadong walang magawa sa buhay ngunit tingin ko'y hindi na ito normal. Tinawagan ko si Alexandra para paimbestigahan ang kaso na ito, simula nang nawala na ang kaniyang ama'y siya na ang pumalit dito kasama ang kambal na tila'y pumalit sa pwesto nina Puti at Bantay .

Isang normal na araw na naman ang lilipas, isang normal na araw na halos puro papeles ang hawak, at ang pag sagot sa mga tawag ng mamamayan. Isang normal na araw na inaakala kong matatapos na agad... pero putang ina anong parte ng  pamamaril ng mga patay na buhay ang normal dito. 

"Hali ka na umalis na tayo dito masyado nang delikado dito" ang sigaw ko sa aking mga tauhan, papaalis na kami sa aming departamento dahil tila naging lungga na ito ng mga patay na bumanggon. "May naiwan pa ba?" ang dagdag kong tanong.

"Yung preso na lang, pero hayaan mo na yun dapat lang naman sa kaniya yon" ang sabi ni Reyes sa akin, isa sa aking mga tauhan. "Hindi, babalikan ko siya" ang sagot ko sa kaniya. "Pero kung babalik po kayo doon, tiyak na mapapahamak lang kayo" ang sabi ni Lt. Tapia sa akin na pinag taingang kawali ko lang. 

Nang makarating ako sa aming prison room ay doon ko na siya nakita. "Halika na, kailangan na natin umalis masyado nang delikado dito" ang sabi ko sa kaniya at sinuksok ang susi upang mabuksan ang kulungan niya nang bigla na lamang siyang tumakbo papunta sa akin kaya napa atras naman ako. 

"Tama lang ito sa inyo ito, mag sisi kayo sa ginawa niyo sa amin" ang sabi niya at kinuha ang susi para sa kulungan na aking naiwan noong ako ay napa atras. "Mamaya na muna ang reklamo mo kailangan-"

"Kailan pa kayo nag alala sa amin, hindi kami tao sa paningin niyo, mga numero lang kami pandag dag sa quota niyo" ang sabi niya sa akin. Hindi ko namang makaila na mali siya dahil sa dami ng kaso na maling pagtrato ng mga pulis sa mga tao, pilitin ko man itong baguhin ay hindi ko kaya. Hindi na ako nakasagot pa nang makapasok ang ang mga bangkay sa kwarto, pinilit ko silang tapusin ngunit masyado silang marami, lintik pa naubusan na ako ng bala. Napaurong na lamang ako hangga't sa dumikit na ang likod ko sa pader, patay ako kay Sol nito bubungangaan na naman niya ako na hindi ko siya tinawagan sa oras ng kapahamakan, pero mukhang mas mauuna pa akong mapatay ng mga bangkay na ito. 

*bang* ang tunog ng isang malakas na baril na galing sa may pintuan, doon ko nakita si Tapia na may hawak na baril, napangiti ako at napasabing "anak ng puta kang bata ka". Ngunit hindi natapos ang problema namin doon nang maubusan ng bala si Tapia, puta kang paasa ka. Muli napaurong na naman kami sa dulo, kinuha ko ang aking baril naisip na baka magamit ko bilang pamukpok man lang. 

Nang malapit na akong malapa ng isang bangkay ay bigla namang naputol ang ulo nito sa aking harapan, bumagsak ang katawan nito at isang tao na may takip ang bibig at may hawak na espada ang tumambad sa amin, sa likod niya'y ang mga bangkay na pugot ulo na. Nanlilisik na mga mata ang tumingin sa akin, at lumapit siya sa akin at biglang nagsalita "How dare you"

"Ah eh di ko namang inaasahan na mangyayri ito eh" ang sagot ko sa kaniya. "Kahit na pops dapat tinext mo pa rin ako andiyan pa naman cp mo ha, pano kung di ko naisipang dumaan edi nilapa ka na nila" ang sabi niya sa akin, napabuntong hininga naman ako at sinabing "oo na, sa susunod" 

"*Sigh*, kahit kelan talaga si pops pasaway" ang sabi niya at humakbang patalikod para bigyan kami ng espasyo ni Tapia.

"Uh sir di ko naman po alam na may anak po kayo" ani ni Tapia

"Mas nanay ko pa siya kesa sa anak, si Sol nga pala" pagpapakilala ko sa kanya, agad namang lumipat ang mata ni Sol kay Tapia.

"Hi bb boy" ang biro niya kay Tapia na may kasama pang kindat, aba namula pa ang gago.

"Nak ng, Sol pati ba naman to papatulan mo? Saka hoy Tapia wag ka mamula mula diyan baka gawin kitang tilapia" ang sabi ko sa dalawa. "Yes sir" ang sabi niya at nagsaludo pa sa akin pero halata pa rin ang pamumula ng pingsi niya.

"Toh namang si pops nakikipagkilala lang" ang sabi niya at tinitigan ko lang mala inosenteng mukha niya kala mo lang, handa na sanang sumagot pabalik nang may pumutol sa akin.

"Capt. Guerrero pasensiya na nahuli kami" ang sabi ng bagong dating na si Alexandra, naku patay. "Ayos lang, ok lang naman kami" ang sabi ko sabay tingin kay Sol, tumango lang naman siya sa akin habang nakatalikod mula kay na Alexandra.

Napataas naman ng kilay si Alexandra, may sasabihin pa uli sana nang sumingit si Basillio.

"Witwiw, Kuya may chick oh" ang sabi niya, aba puta nito ha.

"Ha? Asan?" ang sabi naman ni Crispin, aba kambal nga tong dalawa. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sol, haaaa ito na naman tayo. Sa isang iglap pa'y nasa likod na ng kambal ang dalagita, pinatong ang kamay sa balikat ng kambal at sinambit ang mga katagang, "My my you really did grow up soooo well." 

Ikinagulat naman ito ng kambal kaya agad  silang humarap patalikod at tinutok ang kanilang mga baril kay Sol, tinaas naman ni Sol ang kanyang kamay animo'y sumusuko. Muli siyang tumawa muli bago niya binaba ang takip sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ng kambal kasama na rin si Alexandra, at sabay sabay na nagtanong.

"Sol?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tbh nakikita ko si Tapia as an innocent smol bean, bottom na lang for short ( ͡° ͜ʖ ͡°)

The artwork is from https://www.artstation.com/yajuu5


The One and Only (Various! Trese x Reader)Where stories live. Discover now