3rd POV
Another day came, after Sol took her breakfast at the Diabolical with the 4 residence in there she decided to give her guardian a call. From the call Capt. Guerrero explained that there was a human trafficking case that he was investigating, and saying that it was probably connected to one of the government officials from there, Mayor Pacquito Almaraz.
The name mentioned by the Captain got Sol's interest, she then decided to show up at the scene ignoring the order from her guardian to not come over, giving him deaf ear responses she then proceeded to the scene, after all, she can't pass up this opportunity.
-------
Captain Guerrero's POV
Panibagong kaso na naman ng human trafficking, ang makakabangga pa namin ay may kapit sa gobyerno, dumadalas na tong mga gantong kaso ha.
"Tapia kamsuta yung mga pahayag na nakalap natin?" ang tanong ko sa kanya.
"Ang sabi po ng mga tao dito may mga nakikita daw po silang kahina hinalang mga tao malapit sa may abandonadong pabrika" sagot niya sa akin.
"Maghanda mamayang gabi, mag iimbestiga tayo doon" ani ko sa kanya.
------
Sa pag kagat ng gabi tumungo kami ng aming team sa sinasabing pabrika na pinaglalagian ng mga kahina hinalang mga tao.
"Hi pops" ang sambit ng isang boses sa aking likod.
"Ay tae ng aswang, Sol? Lintik kang bata ka hindi ba sabi ko wag kang pupunta dito?"
"Eh parang delikado po kasi yung kaso niyo ngayon, nag aalala lang ako"ang sagot niya sa akin.
"Ewan ko sayong bata ka"
May narinig kaming kalabog sa loob ng madilim ng pabrika. Agad naming pinasok ang loob nito nang sumunod ang isang malakas na tili sa loob nito. Hawak ang aking baril sa kanang kamay at ilaw sa kaliwa, naghanda ako at aking mga tauhan sa posibleng kaganapan sa loob.
Nang nakarating kami sa loob mga nakagapos na mga tao ang aming nakita, mga tao at aswang ay nagtutulungan upang mailagay sa isang kulungan ang mga taong kanilang ginapos.
Nang kami'y mapansin nila agad nila kami sinugod. Gamit ang kanilang mga kutsilyo at baril, pangil at mga matutulis na kuko, sila ay umatake sa amin. Sunod-sunod na putok ng baril ang bumalot sa loob ng abandonadong gusali. Mga dugo ng aswang at tao ang bumalot sa sahig na aking kinatatayuan.
"Ah!" sigaw ng isang boses malapit sa akin, sa pag lingon ko nakita ko si Tapia na malapit na lapain ng isang aswang. Susugod na dapat ako upang siya'y tulungan nang mahati ang katawan nito sa gitna.
------
Lt. Tapia's POV
Madiin kong pinikit ang aking mga mata, mga kama'y naka hawak sa dibdib ng aswang, pinipilit na ilayo ang mga pangil nito sa akin. Nang nanlambot na ang aking kamay ay saka ko na tinanggap, 'hanggang dito na lang ata ako'
Ngunit sa aking pagkagulat, ang katawan ng aswang na hinahawakan ko ay biglang nawala, para bang tila bumagsak. Sa pag dilat ko ng aking mga mata, nakita ko uli siya, hawak ang espada sa kanan niyang kamay, at ang kaliwa niya'y hinawak sa aking palad, tinulungan niya ako tumayo. Mapapansin ang dugo sa kaniyang damit, at ang takip sa kaniyang bibig ay nag balik uli, tulad noong una ko siyang makita.
"Ayos ka lang ba?" ang marahan na tanong niya sa akin, napa tango naman ako ng mabagal bilang tugon sa kaniyang tanong.
"Tapia ayos ka lang ba?" tanong naman sa akin ni Capt.Guerrero nang natunton niya ang amin puwesto. "Opo Cap" ang sagot ko sa kaniya.
"Ok ka na pala eh, baka puwede mo na bitawan kamay niya" ang dagdag sa akin ni Capt. habang tinuro ang nguso sa direksiyon ng aming mga kamay na di ko napansin na magkahawak pa rin pala. "P-pasensiya na po sir" ang pagpapasenisya ko sa boss ko at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay ni Sol.
Tumawa ng marahan si Sol at sinabing "Pano ba yan, tapusin ko na to ha"
Agad siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at sumugod sa laban. Sa bawat pagwasiwas niya ng kanyang espada, isang kalaban ang natatanggal sa laban.
Mabilis ngunit magara kung titignan ang kaniyang kilos, may wastong ingat at lakas sa kaniyang bawat galaw. Tila ba isa siyang anghel na nagpaparusa sa mga makasalanan. Sa madaling salita, nakaka bighani.
Sa paglipas pa ng oras ang mga kalaban ay naubos na, nakakahiya man aminin pero parang si Sol na ang tumapos sa karamihan sa kanila, habang ako naka-titig lang.
"Mga tauhan nga ito ni Mayor Almaraz, maari na nating gamitin na pruweba ang mga ito laban sa kanya" ani ni Capt. Guerrero.
"Ah eh oo nga po sir" ang balik ko sa kaniya, kahit na hindi ko masyado naintindihan ang kaniyang sinabi dahil sa iba ako naka tutok. "Hindi lang ako makapaniwala na pati aswang kasangkot pala dito" ang dagdag niya.
"Sasabihin niyo po ba ito kay na Alexa?" ang tanong ng kakabalik lang na Sol. "Oo, kailangan niya ito malaman" ang sagot ni Capt. sa kanya.
"Ikaw? Ok ka lang ba?" ang tanong ni Capt. sa dalagita.
"Yes, 100%" ang sagot ni Sol habang naka taas ang hinlalaki at naka dikit sa mukha ni Capt.
"*sigh* pasaway ka talagang bata ka" ani ni Capt. habang naka pameywang
"Pero aminin mo, mas napadali trabaho niyo" ang sambit ni Sol habang ginagalaw ang kaniyang kilay nang pataas-baba.
"Ewan ko sayong bata ka, tara na nga" ang sagot ni Capt. nang may maliit na ngiti sa kaniyang mukha.

YOU ARE READING
The One and Only (Various! Trese x Reader)
RomanceBiraddali's are immortal humans who can shapeshift, they have detachable pure white wings which serve as the source for their energy, without their wings, their regeneration would be slow and it'll limit their ability to shapeshift. Biraddali is kn...