Chapter 5

150 22 24
                                    

Narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa ibabaw ng desk, pagtingin ko may text message si Chester.

Chester to Nick: Goodluck, Elle!

Agad ko siyang sinagot at pinasalamatan.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa presentation ko para masigurong wala akong nakalimutan. Ilang beses ko na ito na-check kagabi at nagpractice pa ako sa pag-present sa harap ni Chester, pero gusto ko pa ring makasiguro.

Muling nag-vibrate ang phone ko, pagtingin ko ay lumabas ang pangalan ni Tanya at tumatawag ito.

"Hello, Tanya?"

"Nasaan si Chester?" medyo mataas ang tono ng boses nito.

"Nasa opisina siguro," sarcastic kong sagot.

"Bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko mula pa kahapon?" inis na tanong ni Tanya.

Sandali akong napa-isip. Hindi ko napansin na may iniiwasang tawag si Chester kahapon dahil pagkagaling sa sementeryo ay kumain lang kami ng lunch sa isang restaurant sa Marikina at pagkatapos ay umuwi na.

"H-hindi ko alam, Tanya," bahagya akong nakaramdam ng guilt feeling dahil kami ni Chester ang magkasama.

"Hindi mo alam? Eh hindi ba kayong dalawa ang magkasama mula pa noong Friday night?" pa-sumbat na sabi ni Tanya.

Paano niya nalaman? Akala ko ba hindi sila nag-uusap ni Chester?

"Nakita ko ang mga post ni Chester sa Facebook! Ano magkakaila ka pa?"

Napansin ko na paisa-isang nagpupunta ang mga kaopisina ko sa conference room. Pagtingin ko sa wristwatch ko, 5 minutes to 9am na.

"Ah Tanya, mamaya na lang tayo mag-usap may meeting ako," pagpapaalam ko sa kanya. Hindi ko na nahintay ang sagot niya at naibaba ko na ang phone ko.

Dinampot ko ang aking laptop at notebook at saka ako sumunod sa conference room.

Ikinabit ko ang laptop ko sa projector at saka siniguro na nababasa ng maayos ang aking presentation na naka-project sa white screen.

"Are you ready?"

Napalingon ako sa nagsalita, doon ko lang napansin na nakaupo na sina Sir Paul, nasa kanan siya ni Ma'am Mitch habang nasa kaliwa naman si Marco. Hindi ko ipinahalata na nagulat ako sa presensya ni Marco. Nasa loob din ang lahat ng kaopisina ko. Mula sa mga section editors, lay-out artists, marketing at circulation sections.

"Yes, sir," sagot ko kay Sir Paul at saka ako ngumiti.

"Then, start."

Tumingin ako kay Ma'am Mitch at sumenyas ito na magsimula na ako.

"Good morning, everyone!" nakangiti kong panimula kahit pa wala nang hinto sa pagdagundong ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Una kong ipinakita ang mga kuha kong pictures habang nasa taping. Ipinakita ko ang mga kuha ko sa kanila sa San Sebastian Cathedral kung saan makikita ang scene na nagsisimba sina Lloyd at Anna.

Nagulat ang lahat sa sumunod na picture dahil nakuhanan ko ng picture habang sinusubuan ni Lloyd ng pagkain si Ana habang naka-break.

Sumunod kong ipinakita ang kuha sa tubuhan na naghahabulan ang dalawa at ang pagkakasunod-sunod ng mga pictures hanggang sa mahuli ni Lloyd si Ana at yakapin mula sa likod.

"Wow! Ang ganda ng mga kuha!" komento ni Stan, ang Chief Artist ng magazine.

Sumunod kong ipinakita ang ilang kuha ko sa loveteam sa Balay Negrense kung saan makikitang hinaharana ni Lloyd si Ana na nakadungaw sa asoteya kasama ang kanyang ina. At ilang kuha habang nagdidilig ng mga halaman si Anna kung saan ginulat siya ni Lloyd at naitutok niya ang hose kay Lloyd at nabasa ito ng tubig. Maging nang magpatuloy sa pagbabasaan ang dalawa kahit off cam na.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon