Chapter 7

138 17 41
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig... tama nga naman, hindi niya ako girlfriend at kahit kailan best friend lang ang tingin n'ya sa akin.

Nanatili akong nakatingin kay Chester. Para akong natuod sa sinabi niya, habang kitang-kita ko ang pagtigas ng kanyang bagang kahit patuloy na naka-focus sa pagmamaneho sa kahabaan ng EDSA.

Gusto ko umiyak pero hindi puwede kaya itinuon ko ang atensyon ko sa mga nagdaraang mga sasakyan sa kanang bahagi ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Alam kong nabigla lamang si Chester sa sinabi niya, pero totoo naman iyon. Bakit ko nga ba naisip na nagseselos siya? Kahit naman sobrang maasikaso sa akin ni Chester, alam ko na nakababatang kapatid at bestfriend lamang ang tingin niya sa akin. At kahit kailan alam kong hindi na iyon magbabago dahil kung nakatakda man mangyari iyon, eh di sana noon pa.

Second year college ako nang mapansin kong iba na ang nararamdaman ko para kay Chester. Alam kong mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. Yes, I fell in love with my bestfriend, who was deeply in love with his girlfriend.

At dahil ako ang may nararamdaman, ako lagi ang nasasaktan. Kahit na alam ko na hindi sinasadya ni Chester ang mga pagkakataon na nasasaktan niya ako. Siguro kung hindi ko ito nararamdaman, hindi rin naman ako masasaktan. Dapat ko na bang ihinto ang nararamdaman ko para sa kanya?

Naramdaman ko ang kamay ni Chester sa ibabaw ng kamay ko, pinisil niya ito ng bahagya kaya napilitan akong lumingon sa kanya.

"I'm sorry," seryoso nitong sabi.

Tumango na lamang ako. At saka ko muling ibinalik ang aking paningin sa labas. Binitawan ni Chester ang kamay ko para mag change gear, pero hindi na rin niya ibinalik itong muli sa kamay ko.

Napansin ko na lang na papasok na kami sa subdivision kung saan kami nakatira. Nang makapagpark si Chester sa harap ng bahay namin, hindi ko na hinintay na buksan niya ang pinto ko. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa pinto ng aming bahay para buksan ito at agad na umakyat sa hagdan.

Pagsara ko ng pinto ng aking kwarto, hindi ko napigilang mapasandal doon sabay ng pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdaman kong naninikip ito. Ang sakit, napakasakit mo mahalin Chester.

Inilapag ko ang dala kong bag sa vanity table, binuksan ko ang bag ko at ininom ang tubig sa baon kong tumbler. Tinanggal ko ang make-up sa aking mukha at saka pumasok sa banyo para maligo. Baka sakali pag iniligo ko ito ay mawala lahat ng sama ng loob ko.

Tinimpla ko tubig sa shower, mas gusto ko ang may konting init para ma-relax ang katawan at isip ko. Pagdampi ng tubig sa aking balat, hindi ko napigilang umiyak. Ilang ulit ko na ba naranasan ito kay Chester? Nakakapagod masaktan, nakakapagod umiyak. I need to help myself to stop this feeling for him... unlove him and move forward. But how??? Lalo akong naiyak. Anong gagawin ko para mawala ang nararamdaman ko for him?

Hinayaan kong dumaloy ang warm water sa ulo ko, mas nakapag-iisip ako kapag naliligo ako. Dinampot ko ang mild soap at sinimulang sabunan ang katawan ko, pagkatapos ay kinuha ko ang loofa at sinimulang kuskusin ang bawat parte ng katawan ko. Kinuha ko ang facial wash at ang mukha ko naman ang sinabon ko at saka ako nag-shampoo. Habang binabalnawan ko ang buhok at katawan ko, isang solusyon ang naisip ko... isusulat ko ang lahat ng rason para kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chester.

Paglabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis, binuksan ko ang drawer sa study table ko at kinuha ang isang journal na matagal ko nang nabili ngunit hindi pa nagagamit. Isinulat ko ang mga salitang: Twenty Reasons to Unlove You.

Napaisip ako, saan ako magsisimula? Sa pangit nya bang mga katangian? Ang ideal man ko talaga ay matangkad tulad ni Daddy, pero si Chester ay 5'6" lang.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon