Chapter 32

52 10 11
                                    

Naupo ako sa mesa na pandalawahan sa food court ng Galleria Mall, habang umo-order si Layla nang pananghalian namin. Nagkasundo kami na dito na lamang mananghalian matapos naming silipin ang burol ng sikat na action star na si Froilan Marfil sa isang simbahan sa Orange Valley. Naaksidente sa set ng patapos na nitong pelikula ang action star nang mapigtas ang harness nito. Kaya hindi magkandaugaga ngayon ang movie and showbiz industry, at siyempre maging kami busy rin sa kasusunod sa mga issues.

"I hate you!"

Napalingon ako sa katabing table namin at nakita kong tila nag-aaway ang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay magkasintahan. Napatingin sa akin ang lalaki at mukhang napahiya ito sa nasaksihan ko. Agad kong binawi ang aking tingin at nagpanggap na busy sa aking cellphone.

"Grabe naman yun!"

Napalingon ako kay Layla, dala nito ang isang tray na naglalaman ng pagkain at inumin naming dalawa. Inilapag niya ang tray sa mesa pero sumusulyap-sulyap sa katabi naming table.

Maya-maya pa padabog na umalis ang babae at sinundan ito ng lalaki. Doon ko lang napansin na lahat na pala ay nakatingin sa kanila.

Bigla ko naisip na sa loob ng tatlong buwan, wala pa kaming pinag-aawayan ni Chester.

"Layla, normal ba na three months na kami ni Chester pero wala pa kami pinag-aawayan?"

"Kahit maliit na bagay wala kayong pinagtalunan?" Kunot-noong tanong sa akin ni Layla.

Umiling ako, "Wala pa."

"Sa ganyang stage kasi ng relationship, sweet pa palagi. Hintayin mo mag six months onwards kayo, meron at meron na iyan."

Napatango ako sabay subo ng isang kutsarang bibimbap.

"Nag-aalala ka ba na mangyari sa inyo yung sa nakita nating mag-jowa?"

"Hindi naman. Dati naman nagtatalo rin kami ni Chester nung hindi pa kami. Naaayos naman namin."

"Pero ang tagal naayos nung kay Tanya. Kung bakit ba naman torpe ang manok ko," ani Layla sabay napanguso.

Sa himig ng pananalita ni Layla, parang ayaw niya kay Chester.

"Bakit parang hindi ka boto kay Chester?"

Napabuntong-hininga si Layla, "Girl, huwag ka magagalit ha? Ayaw ko talaga kay Chester para sa iyo. Pero siyempre mahal mo kaya susuportahan kita."

Nanatili akong nakatingin kay Layla. Ngayon niya lang sinabi ito sa akin. Kahit kailan hindi niya ipinaramdam sa akin na ayaw niya kay Chester.

"Kaya, isang iyak mo lang dahil sa Chester na iyan, susugurin ko talaga 'yan!"

Napangiti ako sa sinabi ni Layla. Mula noong bata ako, si Chester lang ang bukod tanging kaibigan ko na ipinagtatanggol ako sa iba. Kahit na may iba pa akong nakasundo sa school, pero kapag nagkakaproblema, pinipili nilang manahimik at umiwas sa gulo.

"Thank you, Layla."

Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa opisina para isulat ang articles namin. Naghati kami kanina ni Layla sa topics, ako ang nag-interview sa mga magulang at kapatid ng pumanaw na aktor habang si Layla naman ang nagfocus sa mga kabigan at katrabaho.

Bago pa mag alas singko, nag-toothbrush at retouch na ako ng make up ko. Galing ako ng coverage kaninang umaga kaya ayaw ko magmukhang drained kay Chester. Nang masiguro ko na maganda na ako ay bumaba na ako sa lobby kahit wala pang text or call si Chester. Lagi naman siyang on time.

Pagdating ko sa lobby, wala pa si Chester kaya naghintay na lamang ako doon. Naramdaman ko ang paglapit ng isang tao sa akin.

"Elle, bakit bumaba ka na? Wala pa sundo mo."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon