Chapter 9

124 18 14
                                    

"Umidlip ka muna, gigisingin kita kapag nasa beach na tayo," nakangiting sabi ni Chester sa akin.

Napangiti ako sa sinabi niya. Alam na alam ni Chester kung paano ako muli paamuhin. Kapag napansin niyang nasaktan ako sa sinabi niya at tipid na ang mga sagot ko, magyayaya na siyang mamasyal. At alam niya kung saan ako dapat dalhin.

Siguro dahil sa pagiging magkaibigan namin sa loob ng 15 years, kaya kabisado na niya ang kiliti ko.

"Hindi naman ako inaantok," seryoso kong sagot.

"Gusto mo ng kape?" tanong nito nang makita niyang may Starbucks sa gasoline station sa SLEX.

"Okay."

Pero dahil walang available na parking, ibinaba na lamang muna niya ako sa harap ng Starbucks para makaorder na.

Papasok na ako ng Starbucks nang mapansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa labas ng coffee shop at nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay kaedad ko lamang ang ilan sa kanila. Agad kong binawi ang tingin sa kanila at nagkunwaring hindi sila napapansin at dire-diretso akong pumasok habang nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ng isa sa kanila na sumunod sa likod ko.

Pumila ako sa counter at naramdaman ko na nasa likod ko ang lalaki.

Saktong ako na ang oorder nang dumating si Chester na bigla akong inakbayan at pabulong sa kaliwang tainga ko na nagsalita, "You want Latte, venti?"

Tumango lamang ako pero pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng mga buhok ko sa katawan sa ginawa niya. Puwede naman ako tanungin ng maayos, bakit kailangan pa niyang bumulong sa tainga ko?

"Two Latte, Venti. Two cinnamon swirl and one banoffee pie all for take out," pag-order nito at saka iniabot ang one thousand pesos.

Tumabi kami para hintayin ang aming order at napansin kong nawala ang kasunod kong lalaki sa pila kanina.

"Bakit ang dami mong inorder? Gutom ka na?"

"Hindi naman. Yung Banoffee Pie kakainin ko mamaya sa resort," sagot nito. Paborito niya talaga ang Banoffee Pie ng Starbucks.

Mag-a-alas dos na namin narating ang resort. Exclusive ito for members kaya hindi matao kahit na weekend. Dumiretso si Chester sa tabi ng isang cottage at saka nagpark. Agad kaming pinagbuksan ng pinto ng mga sumalubong na staff.

May nakahanda na ring pagkain sa front porch ng cottage na tutuluyan namin. Grilled squid, grilled liempo, enseladang mangga, at kanin. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Pagkatapos kumain at saka ko sinilip ang loob ng cottage. Mayroong day bed na nagsisilbi na ring couch, isang round table na pang dalawahan, isang queen sized bed at isang comfort room.

"Gusto mo na ba magswimming?" tanong ni Chester na kasalukyang nakatayo sa pintuan.

"Libutin muna natin ang paligid," nakangiti kong sagot.

Ini-lock ni Chester ang pinto ng cottage at saka kami naglakad patungo sa reception area para iwanan muna doon ang susi.

Naglakad kami sa kahabaan ng dalampasigan na sakop ng resort. Walang nagsasalita sa amin at inienjoy lang ang tahimik na paligid at preskong hangin. May nakita kaming bato at doon naupo. Tahimik si Chester na nakatitig sa dagat.

"Chester, puwede mo na ba sabihin sa akin kung bakit kayo nag-break ni Tanya?"

Nilingon niya ako at saka tinitigan na tila pinag-iisipan kung sasabihin ba sa akin o hindi. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.

"Matagal na kami dapat naghiwalay pero lagi niya akong tinatakot na magpapakamatay siya kapag iniwan ko siya."

Nagulat ako sa sinabi ni Chester, tinitigan ko siya at mukha namang seryoso ang sinasabi niya.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon