Chapter 45

59 11 25
                                    

Nagsimula nang lumiwanag sa labas ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Kagabi, matapos mag-usap nila Chester at ng kanyang mga magulang, bumalik siya rito para matulog sa tabi ko. Pilit pinapayapa ni Chester ang isip ko kagabi, at nangakong kahit na anong mangyari ay hindi niya babalikan ang babaeng yun. Igigiit daw ni Papa Charlie ang paternity test para magkaroon sila ng ebidensya na hindi sa kanya ang ipinagbubuntis ni Tanya. Pasado alas tres ng madaling araw nang marinig ko ang mahinang hilik ni Chester habang nakayakap ang braso sa akin. Gayunman, hindi pa rin ako mapakali. Sa tono nang pagsasalita ni Chester kagabi ay confident siya na hindi niya anak ang ipinagbubuntis ni Tanya.

Isang halik sa aking labi ang gumising sa akin. Nang buksan ko ang aking mga mata, ang guwapong mukha ni Chester ang agad kong nakita. Nakatulog ba ako? Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Isang maliit na ngiti ang pinawalan niya.

"Magtatanghalian na," kunot-noong sabi ni Chester.

Tinitigan ko lamang siya.

Hinalikan niya ang palad ko. "Kanina pa kita gusto gisingin pero naisip kong wala kang tulog. Sorry, Elle."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mula sa pagkakahiga ay naupo ako. "Bakit ka nagso-sorry?"

"Kasi alam kong nasasaktan kita ngayon."

"Sabi mo hindi naman totoo 'yun."

"Hindi nga. Bakit hindi na lang siya maghanap ng ibang lalaki?"

Tinitigan ko si Chester at saka pilit akong ngumiti. "Wala ka kasing katulad kaya mahirap ka pakawalan."

"Wala naman akong ginawang special para sa kanya. Halika na mag-brunch na tayo!"

Kinuha ko ang bra ko sa ilalim ng unan at saka ako tumayo at nagtungo ng banyo para maghilamos at isuot ang aking bra. Matapos namin kumain ng tanghalian, umalis kami ni Chester para bumili na lamang ng takeout food para ihanda sa media noche. Past 6:00pm na kami nakabalik sa bahay dahil ilang restaurant din ang inikot namin. Inilagay namin sa dining area nila Chester ang mga pagkain. Heto ang napagkasunduan namin bago umuwi galing Australia na dito kami magme-media noche para salubungin ang Bagong Taon.

"Nasaan sila Papa Charlie at Mama Bles?" nagtataka kong tanong kay Chester.

"Baka nasa taas," pagkikibit-balikat nito at saka nagpuntang kusina para kunin ang gunting para magupit ang tali ng pancit sa bilao.

Nang maiayos namin ang hapag. Nagpaalam ako kay Chester na uuwi muna para maligo at magbihis. Pagdating ko sa bahay, agad akong umakyat para maligo. Naisipan kong mag maong na pantalon na lamang at red na blouse. Matapos kong maglagay ng manipis na make-up, nag-ring ang aking cellphone. Si Mama Bles. Excited ko siyang sinagot.

"Mama, matatapos na po ako..."

"Pagbuksan mo ako ng pinto, narito ako sa baba," mahinahon na pagputol ni Mama Bles sa sasabihin ko.

"S-sige po."

Agad akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Mabilis siyang pumasok at naupo sa couch na pandalawahan.

"Elle, gusto kita makausap."

Napangiti ako kay Mama. Hindi pa nga pala kami nakakapagkuwentuhan tungkol sa proposal. Ang sabi niya sa akin sa phone nung nasa Australia kami ni Chester ay kuwentuhan ko siya agad pagdating namin.

"Mama, alam mo ba yung mga kasama namin na isang team sa Australia akala ko mountain guides, iyon pala photographers, videographers, at hair and make-up artists," pagsisimula kong kuwento.

Nanatiling tahimik si Mama at nakatingin lang sa akin kaya nagpatuloy ako. "Tapos, sabi ni Chester magdi-dinner daw kami sa restaurant nung resort kaya pinagbihis niya ako. Tapos pagdaan namin sa isang cliff..."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon