Chapter 14

87 15 19
                                    

"Niiccckkkk!!!"

Umalingawngaw ang pangalan ko sa lobby ng building. Nakita kong humahangos papalapit si Layla sa akin. Napalingon ako sa paligid at napansin kong tinitingnan ako ng mga tao.

"Ang galing mo!! Congratulations!" Ramdam ko ang genuine na saya ni Layla para sa akin.

"Thank you, Layla!"

Sumabay kami sa agos ng mga taong papasok sa elevator.

Siniko ako ni Layla, "Pero nagtatampo ako, ha?"

Napalingon ako sa kanya, dinukot ko ang isang maliit na paperbag at iniabot sa kanya, "Huwag ka na magtampo. May pasalubong naman ako sa iyo eh."

Sumimangot si Layla at hindi man lang tiningnan ang iniaabot ko, "Ano yan, suhol?"

"Pasalubong nga," nakangiti kong sabi.

"Masama loob ko, hindi mo sinabi sa akin na kaya mo kilala si.."

Agad kong pinisil ang braso ni Layla at agad naman siyang nanahimik, "kukuwentuhan kita mamaya."

"Promise?"

Tumango ako at itinaas ang kanang kamay, "Promise!"

"Sige bati na tayo! Asan na pasalubong ko?"

Natawa ako sabay abot ng paper bag kay Layla.

Matapos ko mag time-in ay inilapag ko sa desk ang aking bag. Dinampot ko ang tatlong paper bag at nagpunta sa opisina ni Ma'am Mitch.

"Jenny, pasalubong ko for all sa editorial. Okay lang ba kung ikaw na ang maghati?"

"Oo naman, Ms. Nick! Thank you, ha?"

"You're welcome. Nandiyan na ba si Ma'am Mitch?"

"Oo, pasok ka na lang."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng opisina ni Ma'am Mitch, at sinilip kung busy ang boss ko. Nakaharap ito sa kanyang laptop pero agad niyang naramdaman ang aking presensya. Mabilis itong tumayo at magiliw akong sinalubong.

"Nick!"

"Ma'am, dinala ko lang po ang pasalubong ko sa iyo."

"Nag-abala ka pa! Ano ba iyan?"

"Ito pong galing sa akin, pineapple cakes and Taiwan Tea. Sana magustuhan nyo," sabay abot sa kanya ng isang paper bag na hawak ko.

"Favorite ko ang mga ito," tuwang-tuwa nitong sagot at saka sinilip ang loob ng paper bag. Hinila niya ako sa couch at pinaupo.

"Heto naman pong isa, galing kay Gideon. Pasasalamat daw po niya sa inyo."

Naitakip ni Ma'am Mitch ang kanyang kamay sa kanyang bibig habang kita ang excitement sa kanyang mga mata. Agad niyang binuksan ang paper bag at dinukot ang laman. Tumayo siya at isinuot sa harap ng malaking salamin ang knitted blue and white blazer. Bumagay ito sa suot niyang white silk short sleeve blouse.

"Ang ganda! Pakisabi, salamat. Ay hindi... tatawagan ko siya mamaya. Ako mismo ang magpapasalamat!" Tuwang- tuwa nitong sabi habang hinuhubad ang blazer at saka ito muling naupo sa tabi ko.

"Noong nabasa ko sa resume mo na freelance model ka, hindi ko naisip na endorser ka ni Gideon Sanchez. Ang alam ko lang pamilyar ang mukha mo. Pero dahil nakita ko yung advertisement ng McDo, yung grupo kayo na pumasok sa loob? Akala ko iyon ang dahilan kaya ka pamilyar."

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Nanatili akong nakangiti kahit sa totoo lang ay bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Marami na akong nagawang TV commercials pero hindi naman kasi ako ang main kaya hindi ako agaw-pansin sa mga tao.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon