Chapter 35

52 11 2
                                    

Napakapit ako sa bakal sa aking kanan. Sapo ko ang aking dibdib at tila hihinto na ang puso ko sa pagpintig, "Chest, wait lang."

"Konti na lang."

Malalalim na ang bawat paghinga ko pero ayaw pa rin huminto ni Chester. Ramdam ko ang pagsibol ng pawis sa aking noo kahit malamig ang klima.

"Mahal, tingin ka sa akin."

Muli akong kumapit sa bakal, "Two hundred forty-seven."

"Two hundred forty-eight."

"Two hundred forty-nine."

"Two hundred fifty."

Salitan kami sa pagbibilang ni Chester. Napangiti ako sa boyfriend ko, hindi ko alam bakit dito niya naisipang magpunta.

"Two hundred fifty-one."

"Two hundred fifty-two."

Masaya kaming nagyakap nang marating ang pinakataas ng Lourdes Grotto. Magkahawak kamay kaming lumapit at saka tahimik na nagdasal.

"Happy Anniversary!" Sabay naming bati sa isa't isa na naging dahilan para matawa kami. Inakbayan ako ni Chester at inilgay ko naman ang aking kaliwang braso sa likod ng kanyang bewang. Tahimik naming pinagmasdan ang paligid.

Six months ago, noong una akong dinala rito ni Chester. Mainit ang ulo niya noon dahil sa biglang naging long distance relationship ang set-up namin dahil sa naging problema nila sa kumpanya at napauwi siya bigla nang mag-viral sa social media ang pag-attend namin ni Marco sa isang formal event. Nang araw na iyon, mula airport ay kinailangan niya harapin ang galit ng kanyang ama sa biglaan niyang desisyon na iwan ang bagong construction site sa Bacolod. Nagulat pa siya na may sundo siyang nag-aabang paglabas pa lamang ng tarmac sa airport dahilan kaya nakalimutan niyang buksan ang kanyang cellphone. Dagdag pa na nakita niyang magkasama kami ni Marco na lumabas ng building ng pinapasukan naming trabaho, kaya wala man sa plano ay naisip niyang dalhin ako sa malayo upang makapag-usap kami ng maayos. Naaalala ko pa na habang naghahapunan sa NLEX ay tinawagan niya si mommy para ipaliwanag na naisipan niya akong dalhin sa Baguio. Hating gabi na kami dumating ng Sabado at mabuti na lamang may nakuha pa kaming isang silid na may dalawang queen size bed sa isang 4-star hotel. Nang gabing iyon, dalawa ang kama na nasa kwarto ngunit magkatabi kaming natulog. Yakap-yakap niya ako buong magdamag nang walang sinasabi. Maaga niya akong ginising at dito sa grotto niya ako dinala. Akala ko pa nga noon na pinarurusahan niya ako dahil sa pagkakasabi na magpapalamig siya ng ulo kaya pinaakyat ako ng ganito kataas.

"Diba tama ako nang sinabi sa iyo six months ago?" Masayang bulong ni Chester na hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin.

Bahagya kong inilingon ang aking ulo para makita ang mukha niya, napakunot ang aking noo. Naintindihan naman niya na hindi ko maalala kung ano man ang sinabi niya noon.

"Diba sabi ko sa iyo dahil magkasama nating pinaghirapan akyatin ang 252 steps na ito, we will overcome whatever trial that we have to face for this relationship, as long as we are together."

Naalala ko ngang sinabi niya iyon. Napangiti ako at dinampian ng halik ang pisngi ni Chester, "I love you!"

"I love you always and forever." Hinalikan ni Chester ang sentido ko at saka ako niyakap nang napakahigpit.

Nagdesisyon kami ni Chester na mag-leave sa trabaho kahit na simula ng taon para makaakyat muli dito sa Baguio para i-celebrate ang first anniversary namin. Pagpapasalamat na rin dahil sa Birheng Lourdes din niya hiniling six months ago na tulungan siyang maisaayos din ang problema ng kanilang kumpanya at hindi naman siya binigo nito. Bago pa mag-Pasko, naiayos lahat ni Chester ang problema at nabigyan pa sila ng certification na sumusunod ang Engineering firm nila sa lahat ng international health and safety standrads, dahilan upang i-congratulate siya mismo ng kanyang ate at mismong ito ang nag-announce ng kanyang promotion bilang Assistant Vice President ng CCS Engineering and Mining Corporation noong Christmas Party nila na pati ako ay nakadalo.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon