Chapter 10

119 18 26
                                    


Pagpatak ng 5:00 pm, nagmamadali akong nag-out sa trabaho at saka pumara ng taxi patungong EDSA Shangri-la. Nagpababa ako sa isang Resto Bar at saka dali-daling hinanap ang aking pakay.

"Elle, Baby!"

"Hi, G!" Isang mahigpit na yakap at beso ang isinalubong ko sa kaibigan ko, "Bakit bigla mo na lang ako pinapatawag? Anong meron?"

"I will launch my fall collection on the first week of September, siyempre dapat nandoon ka," nakanguso pang sabi ni G.

"Weekend ba 'yan?" Napatingin ako sa kalendaryo sa phone ko.

"Elle, alam mong lagi akong Friday night, diba?"

Napatango ako. Lagi nga pala siyang Biyernes ng gabi nag-e-event.

"Don't tell me hindi ka puwede?"

"Alam mo naman na nasa Showbiz Mag na ako, diba? Hindi pa ako regular kaya hindi pa ako makapag-leave."

"Hindi ka puwede mawala sa show ko," tila bata itong nagmamaktol.

Matapos namin magkwentuhan ay umuwi na din ako. Ngayon ang unang pagkakataon na wala ako sa event niya pero wala ako magawa dahil ayaw ko naman na ma-bad shot ako kay Ma'am Mitch. Hindi na rin biro ang pagod ko sa Showbiz Mag mula noong pumasok ako noong Mayo. Hindi ko man napagbigyan ang kaibigan ko, alam kong naiintindihan niya ako.

__

Lunes ng umaga habang tahimik ang lahat sa editorial department, nag ring ang telepono sa opisina ni Sir Paul.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Sir Paul sa kanyang opisina at nagsalita, "Everyone, the Managing Director would like to meet us now in the conference room."

Nagtayuan ang lahat. Dinampot ko ang aking notebook, ballpen at phone at saka nagtungo sa Conference Room. Pagpasok ko ng Conference Room ay nagbubulungan ang mga kaopisina ko dahil walang nakakaalam kung ano ang dahilan nang biglaang meeting na ipinatawag ni Ma'am Mitch. Kumaway sa akin si Layla at tinapik ang upuan sa tabi niya, tahimik akong naupo roon.

"Bakit kaya tayo pinatawag?" Mahinang tanong ni Layla sa akin.

"Hindi ko din alam eh."

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang tatlong lalaki mula sa production section ng Advertising Department at naupo sa mga bakanteng upuan.

Binulungan ko si Layla, "Girl, bakit sila kasali?"

Tumaas lamang bahagya ang mga balikat ni Layla at saka ito ngumuso.

Tumahimik ang paligid nang bumukas ang pinto at iluwa noon si Marco habang nasa likuran niya si Ma'am Mitch.

"Good morning! I have good news," nakangiting bungad ni Ma'am Mitch sa aming lahat.

"I received a call last Saturday morning from none other than, Gideon Sanchez!" tila kinikilig na sabi ni Ma'am Mitch habang ang lahat ng nasa kuwarto ay nagulat lalo na ang Fashion Editor na si Vanessa Magpili.

Napauwang ng bahagya ang aking mga labi at saka ako napangiti. Si Gideon Sanchez ay isang sikat at batang Fashion Designer sa Pilipinas at maging sa ilang Asian countries.

"Are we going to feature him, ma'am?" Excited na tanong ni Vanessa.

Napatingin ako sa kanya at nagulat na lamang ako na bigla niya akong inirapan.

"Yes! Gusto niyang i-feature natin sya!" Excited din na sagot ni Ma'am Mitch, "Imagine last year pa natin siya nililigawan na maging cover ng magazine natin tapos ngayon siya pa ang tumawag sa akin!"

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon