Chapter 26

70 12 18
                                    

Matapos naming mag-almusal, inikot ako ni Chester sa buong resthouse na kung tawagin ay log cabin, ang design kasi ng wall nya ay troso. Umakyat kami sa 2nd floor at agad na sumalubong sa amin ang eleganteng sala set na gawa sa Narra, may tatlong kuwarto na kinabibilangan ng master's bedroom. Mayroon malaking terrace kung saan tanaw na tanaw ang Bulkang Taal. Sa baba naman ng bahay ay ang dalawang kuwarto na tinuluyan namin ni Chester, modern kitchen, and rustic living room.

Dahil maaga pa naman, naglakad-lakad lang kami sa paligid ng Woodlands, pakiramdam ko nasa ibang bansa ako habang naglalakad sa kalsada kung saan may mga nagtataasang pine trees sa magkabilang gilid at malamig ang klima. Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang kamay ni Chester sa kamay ko, 'tila wala siyang hirap na pinunan ang pagitan ng bawat mga daliri ko at saka niya pinisil ng bahagya ang palad ko dahilan para balingan ko siya nang tingin. Isang matamis na ngiti ang pinawalan n'ya sa kanyang mga labi na umabot hanggang sa singkit niyang mga mata, napangiti ako sa nakita kong saya sa kanya mga mata. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang walang bumibitaw. Nang mapagod ay bumalik na rin kami ng resthouse. Nagpadeliver ng tanghalian si Chester mula sa restaurant sa clubhouse ng Woodlands. At pagkatapos kumain at makapagligpit ay naligo akong muli para maghanda na sa kasal ni Layla.

Dahil hapon ang kasal at hanggang gabi ang event, minabuti kong magmukhang fresh at nude pink lipstick lamang inilagay ko sa aking labi. Isinuot ko ang navy blue sleeveless v-shape long gown na dinesenyo ni Gideon na pinarisan ko ng 2-inches silver ankle strap high heels at silver pouch bag.

Nang lumabas ako sa kwarto, nasa sala na si Chester at nakasuot ng navy blue tuxedo. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin, "You're so beautiful, Elle."

Napangiti lamang ako sa kanyang sinabi. Mula sa bulsa niya ay inilabas niya ang isang square box, "Dapat sa Pasko ko pa ito ibibigay, but this will match your dress today. Advance Merry Christmas."

Nagulat ako sa maagang regalo ni Chester, hindi pa nga ako nakabibili ng regalo ko para sa kanya sa Pasko. Nang buksan ko ang box ay tumambad sa akin ang isang white gold necklace na may apat na pusong pendant na mayroong maliliit na bato. Hindi naman siguro diamonds ang mga ito, imposible naman na bigyan ako ni Chester ng sobrang mahal na kwintas.

"May I?" Nakangiti niyang tanong upang ipaalam na isusuot niya sa akin ang kwintas, agad naman akong tumango.

"This necklace will always remind you of my love for you and your role in my life."

Dahan-dahan akong inikot ni Chester paharap sa kanya, "Four..."

Nanlaki ang mga mata ko, "death? Sa Chinese ayaw nila yan. Bakit ganito ang binigay mo sa akin?"

"Because I will love you 'til the day I die," he smiled.

Humaba ang nguso ko, pakiramdam ko binobola lang ako ni Chester.

"Hindi rin yan puwede maging tatlong hearts," muling ngumiti si Chester.

"Bakit?"

"Because you are my four-leaf clover."

Napatingala ako upang tingnan sa mata si Chester. Bakit ba niya laging sinasabi na ako ang four-leaf clover n'ya? Hindi ko alam anong swerte ang nadala ko sa kanya.

Chester gave me a small peck on the tip of my nose.

"Hoooy! Bakit mo ako hinalikan?" Inis na sabi ko.

"Lumilipad na naman kasi ang isip mo. Tara na baka ma-traffic tayo papunta sa venue."

Pagsakay namin ng SUV, narinig ko ang pagring ng aking cellphone kaya agad ko itong kinuha sa loob ng pouch bag, si Marco.

"Hello, Marco?" Napalingon ako kay Chester na biglang kumunot ang noon ang marinig ang pangalan ng una.

"Nick, nandito na ako sa Tagaytay. Saan kita susunduin?" Masaya ang boses nito na tila excited.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon