Chapter 19

81 12 12
                                    

Today is last Friday of October, wala kaming hinahabol na deadline dahil patapos na ang printing ng November issue ng magazine, no scheduled interview—it's like a free day. I chose to wear jeans, white baby tee and white Tretorn. Para mapahinga naman ang mga paa ko sa kakasuot ng heels. May blazer at black pumps naman ako sa office in case may biglaang meeting.

Pagdating ko sa office, everyone seems in a good mood. I did my usual routine in the morning, checking the latest showbiz issues and my email. I was reading an article when the phone on my desk rang.

"Hello, Nick Atienza on the line, how may I help you?"

"Good morning, Ms. Nick. Tawag po kayo ni Ma'am Mitch," malumanay na sabi ni Jenny.

"I'll be there in a second. Thanks, Jenny!" I checked my face in the mirror, wore my blazer, and immediately walked towards my boss' office.

Nang makita ako ni Jenny na parating, agad itong tumayo at pinagbuksan ako ng pinto. Nakita kong nakakunot ang noo ni Ma'am Mitch sa binabasa nito sa kanyang laptop, at nang mapansin niya ang aking presensya ay agad namang nagliwanag ang mukha niya. Tiningnan niya si Jenny, "Tell Ronald that Nick is now in my office."

Nagtaka ako kung bakit nasali ang HR Manager namin sa kung anuman ang pag-uusapan namin. Nagsimula akong kabahan ngunit pinilit kong magmukhang kalmado. Nang tumingin sa akin si Ma'am Mitch ay ngumiti ito kaya nginitian ko din siya.

"Nag-breakfast ka na ba?"

"Opo," maiksi kong sagot dahil biglang lumakas ang kaba ko. Anong nangyayari? O ano ba ang mangyayari?

Tumango si Ma'am Mitch, "Let's wait for Ronald."

Nang dumating ang HR Manager, naupo ito sa harap ko. May hawak itong folder at iniabot niya ito kay Ma'am Mitch at saka ito ngumiti ng tipid sa akin.

Binuksan ni Ma'am Mitch ang folder. May binasa siya saglit at saka kumunot ang noo, "After reviewing your performance for the past five months, the board unanimously agreed that.."

Napakunot ang noo ko. Gusto kong tumayo pero tila nanigas ang katawan ko. Bakit hindi naman ako nabalaan na ngayon ko pala malalaman kung mare-regular ako o hindi sa trabaho ko? Pakiramdam ko huminto ang puso ko sa pagtibok.

"... you exceeded the expected performance for a probationary employee for the position of Associate Editor. You received an outstanding grade from the board making you now a regular employee of this company." Ngumiti sa akin si Ma'am Mitch pero tila hindi ko naman naintindihan ang mga sinabi niya.

Pinapirmahan nila sa akin ang bagong kontrata, ni-hindi ko na nabasa ang laman nito sa sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib.

"Congratulations, Nick!" Tumayo si Ma'am Mitch at ang HR Manager kaya napatayo din ako, nakita ko ang kamay ni Ma'am Mitch sa aking harapan kaya inabot ko ito.

"Thank you po." Lutang kong sagot.

Natawa si Ma'am Mitch sa hitsura ko. Siguro napansin niyang natutulala ako. "Also, you will receive your salary adjustment starting this coming payroll. Ronald will discuss all the additional benefits that you will get as a regular employee and Associate Editor of the magazine."

"Thank you po, ma'am." Naiiyak kong sabi. Pakiramdam ko nagbunga lahat ng hirap ko sa magazine at sa mga katrabaho ko.

"You deserve it, Nick."

"Congratulations, Ms. Atienza. Can I usher you now to my office so we could talk about the whole package of your regularization?" saad ng HR Manager.

Napatango ako at tahimik na sumunod sa kanyang opisina. Pinaupo niya ako at agad binanggit sa akin ang matatanggap kong increase sa sweldo, allowances, health card para sa akin at kay mommy at life insurance. Matapos ko pirmahan lahat ng papeles ay muli akong kinamayan ng HR Manager.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon