Chapter 8

120 18 13
                                    

Nagmamadali akong umakyat sa taas para hindi ako abutan ni Chester. Ini-lock ko din ang pinto ng aking kuwarto. Pinatay ko ang ilaw para pagbalik ni Chester ay aakalain niyang tulog na ako. Binuksan ko ang lampshade sa study table ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng iba pang pangit na katangian ni Chester.

2. Obsessive-compulsive Disorder

Napaka- OC ni Chester, ayaw niyang narurumihan o kahit nagugusot man lang ang damit niya lalo na ang kanyang uniporme. Puti ang polo namin sa school, dark blue ang palda ng mga babae habang khaki naman ang shorts o pantalon ng mga lalaki.

Mas maaga natatapos ang klase namin ng isang oras kaysa kina Chester, kaya napipilitan akong maghintay sa kanya tuwing uwian.

Minsan nagyaya ang mga kaklase ko na maglaro kami sa playground, enjoy na enjoy kami sa paghahabulan at pag-akyat baba sa slide. Sa sobrang aliw naming sa paglalaro ay hindi ko namalayan ang oras.

"Elle!"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Chester nakatayo ito at nakahalukipkip, "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."

"Nandiyan na ba si Mommy?" tanong ko at saka ako nagpadulas sa slide.

"Oo, kanina pa," masungit nitong sagot sabay tingin sa damit ko.

Agad akong napatingin sa damit ko at napakibi't balikat na lamang sa nakita kong dumi. Nauna nang naglakad sa akin si Chester patungo sa gate kaya nagmamadali akong sumunod.

"Mommy!" patakbo akong yumakap sa baywang ng aking ina na kanina ay nakangiti noong ako ay nasa malayo pa.

"Anak, saan ka ba nagsusu-suot? Bakit ang dumi mo?" nakakunot ang noo ni mommy at saka ako pinunsan ng baby wipes sa mukha.

"Niyaya po ako ng mga kaklase ko na maglaro sa playground," nakangiti kong sagot.

Pinunasan din ni mommy ang mga braso at kamay ko, "para kang hindi babae, anak!"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Chester sa sinabi ni mommy kaya agad ko siyang tiningnan. Mapanukso itong tumatawa. Sa inis ko ay inirapan ko siya at hindi na kinausap hanggang sa makauwi kami.

Maliban sa pagiging malinis sa katawan, nakagawian din ni Chester na nakaayos ang lahat ng kanyang gamit. Ang kuwarto rin niya ay napakalinis, wala kang makikitang alikabok o ni isang kalat at siya mismo ang naglilinis nito.

Sa sobrang ayos ni Chester sa gamit, pati gamit ko minsan inaayos niya. Naaalala ko noon kasama ko siya sa aking kuwarto habang tinutulungan niya ako sa aking Art project, hinahanap ko ang color red kong gel pen sa drawer ng study table pero hindi ko makita. Iniwan ko siya para itanong kay ate kung hiniram ba niya ito, at pagbalik ko nagulat ako na inaayos niya ang mga gel pen, maiinis na sana ako dahil ayaw kong pinakikialaman ang aking mga gamit pero natawa na lamang ako nang makitang na nakaline-up ang mga gel pen ko.

"Bakit ganyan ang pagkakaayos?" natatawa kong tanong.

"Para madali mong makikita ang hinahanap mong color," nakangiti niyang sabi, "Pero wala talaga ang red."

Natawa ako at saka ko ipinakita ang hawak ko, "hiniram ni ate."

Unti-unti nasanay na ako sa pagiging OC ni Chester. Hindi na rin niya ako pinagtatawanan kapag nadudumihan ang damit ko. Siguro alam niyang nainis ako noon.

Tuwing Linggo nakagawian na namin ni Chester magsimba sa Sto. Domingo Church. Dahil walking distance lang naman ito, naglalakad na lang kami. Natatandaan ko pa katatapos lang umulan noon at medyo maputik ang daan, kaya lalo akong bumagal sa paglalakad kaya naisipan niyang buhatin na lamang ako sa likod n'ya hanggang sa marating namin ang simbahan.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon