Chapter 36

52 12 12
                                    

Hindi na ako halos makahinga sa dagundong ng puso ko ngayong gabi, natatakot ako na baka hindi sapat ang ginawa kong pagda-diet ng dalawang buwan at work-out para sa gabing ito. Paano kung maranasan kong mapahiya dahil hindi lang summer collection ni Gideon ang irarampa ko sa entablado, kun'di two-piece bikini swimsuit!

"Elle anak, alam ba ni Chester na irarampa mo ang bikini na ito?"

Napatingin ako kay mommy , aburido ang mukha niya habang hawak ang naka-hang na stylish white two-piece bikini.

"Nagpaalam po ako. Sabi nga niya sa harap siya ulit uupo sa tabi ninyo ni Gideon."

"Himala na pumayag ang boyfriend mo." Hindi makapaniwalang sagot ni mommy, "Hetong iba kasi okay lang."

Tumayo ako sa harap ng salamin at saka napahawak sa aking baywang, "Mas kinakabahan ako na baka magmukha akong mataba sa runway. Nakita ninyo yung mga kasabay ko sa stage, mommy?"

Unang beses ko silang nakasama noong isang araw sa practice at pakiramdam ko ay kinulang talaga ako sa effort sa loob ng dalawang buwan, sobrang payat ng mga kinuhang ramp models ngayon.

"Ang laki na nga nang ipinayat mo, nag-aalala ka pa na mukha kang mataba?"

Sasagot pa sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng dressing room, "Nickelle, we will start in 15 minutes."

Bigla akong napatayo at agad na isinuot ang white with tropical prints hollow out v-neck summer maxi dress na halos sayad sa floor kahit pa nakasuot ako ng 4-inches white stilettos. Bumagay ito sa nakalugay kong buhok na bahagyang kinulot ng malalaki upang magmukhang wavy kanina ng hair and make-up artist.

Tulad ng dati, ako ang huli sa pila ng mga ramp models. At nang marinig ko na ang hudyat ng director, lumabas ako sa stage at inirampa ang damit. Sa harap ko ay nakita ko sina Gideon at mommy na parehong malawak ang mga ngiti at katabi nito ay ang aking nobyo na seryoso lamang na nakatingin sa akin. Hindi ba siya nagandahan sa suot ko?

Pagbalik ko sa dressing room, muli kong sinipat ang aking damit. V-neck ito at kita ang pagitan ng katamtamang laki ng aking dibdib na humugis ng husto dahil fitted ang pang itaas na bahagi ng dress lalo na at may butas sa aking tiyan ngunit natakpan naman ang aking pusod. Tumagilid ako sa salamin at napangiti ako nang makita na maganda tingnan ang pagkakabagsak ng dress sa balakang ko. Sexy pero hindi naman malaswa. Siguro hindi naman siya galit.

Sumunod kong isinuot ang plain green two-piece bikini swimsuit na pinatungan ko ng green mesh pants cover up. Dati ko naman nang isinusuot ang ganitong two-piece bikini at wala pang beach pants kaya sa tingin ko ay okay lang naman. Wala namang bago.

Muli akong rumampa sa stage, nakita kong nagpapalakpakan ang audience habang malawak pa rin ang mga ngiti nila Gideon at mommy. Ngunit nagulat ako nang makitang madilim ang hitsura nang mukha ni Chester at tila galit na ito. Nagpanggap akong walang nakita dahil bawal kami maglabas nang anumang emosyon sa mukha.

Pagbalik ng dressing room ay muli kong sinipat ang aking hitsura. Wala namang mali sa suot ko. Bakit ganun ang mukha ni Chester? Nagpaalam naman ako sa kanya at pumayag naman siya. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin at pilit na pinasaya ang mukha. Huling set na ito at matatapos na rin. Kakausapin ko na lang si Chester mamaya para malaman kung ano ang hindi niya nagustuhan.

Isinuot ko ang white crop top off shoulder ruffles two-piece high waist cut-out bottom bikini. Nagmukhang mahahaba ang legs ko. Hindi rin ito malaswa tingnan dahil hindi naman nakikita ang aking dibdib dahil sa ruffles.

Nang tinawag ako ng director para umakyat, seryoso kong inirampa ang swimwear, nagtayuan ang mga tao habang pumapalakpak nang ianunsyo ng host na ang suot ko ang huling irarampa ng gabing iyon. Tumayo rin si Gideon at inilalayan ng usherette sa pag-akyat sa stage upang samahan ako. Ngumiti ako upang mag-pose sa tabi ni Gideon at halos masilaw na ako sa flash ng mga camera ng mga photographers. Makaraan ang ilang minuto ay bumaba na ako sa likod at nagbihis.

Paglabas ko ng dressing room nasa pinto si Chester at nakakunot ang noo nito.

"Iyan na ba lahat ng dala mo?"

Tumango ako at saka niya kinuha ang dala kong luggage. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuan at may kalakasang hinila palabas sa events area.

"Chester, si mommy?"

"Nasa sasakyan na."

"Magpapaalam lang ako kay Gideon." Kinakabahan kong sabi dahil pakiramdam ko ay may kasalanan ako.

"Nagsabi na ako sa kanya kanina na uuwi na tayo agad pagbaba ninyo sa stage." Seryoso pa ring sagot sa akin ni Chester na hindi pa rin binibitawan ang aking palapulsuan.

Napalingon ako sa madilim na bahagi ng events area nang makarinig ako ng komosyon. Tila may nagsasagutan.

"Tara na!" Ani Chester sabay higit sa akin palayo sa lugar na iyon.

Nang marating naming ang parking area, gusto ko siyang tanungin kung ano ang kasalanan ko pero sa hitsura niya ngayon ay mukhang magsasagutan lamang kami at makatatawag pa ng pansin sa mga bisitang naroon.

Tahimik ang biyahe namin pauwi, maging si mommy ay hindi nagsasalita. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura, hindi nga pala ako nakapag hapunan o kahit sumubo sa dinalang pagkain kanina sa akin sa dressing room sa takot na magka-tiyan. Napahawak ako sa aking tiyan at napalingon sa daan nagbabakasakaling may makita akong bukas na restaurant kahit pasado alas-diyes na ng gabi. Muling nagmarakulyo ang aking tiyan at sa tingin ko ay narinig ito ni Chester dahil iniliko niya sa ibang daan ang sasakyan at ipinarada sa isang fastfood na bukas 24/7.

"Kain muna tayo." Tipid na sabi ni Chester at saka mabilis na bumaba.

Agad kong nilingon si mommy, "Galit po ba siya?"

Tumango si mommy, "mag-usap na lang kayo, anak."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang bumukas ang pinto sa gilid ko at hawakan ni Chester ang kamay ko para alalayan bumaba. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na bahagya nang lumamlam kumpara kanina. Inalalayan rin niyang bumaba si mommy at saka kami inakbayang dalawa papasok sa fastfood.

Tahimik kaming kumain at agad ding umuwi. Pagdating sa bahay, nauna nang bumaba si mommy at pumasok sa loob. Habang nanatili kaming dalawa sa loob ng sasakyan.

Narinig ko ang pagbuntong-hiniga ni Chester, "I'm sorry if I acted that way."

Bahagya kong iniharap ang katawan ko sa kanya upang makita nang maayos ang kanyang mukha.

"May hindi ka ba nagustuhan sa mga isinuot ko?"

"The clothes are okay. Summer collection kaya ganun."

"So, bakit ka galit? Kitang-kita ko mula sa stage ang inis at galit mo sa mga suot ko." Naiinis kong sagot ngunit pinilit ko pa ring maging kalmado.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Chester, "Wala."

Nang marinig ko ang sagot niya tila umakyat ang dugo sa ulo ko at hindi ko naiwasang tumaas ang boses ko. "Anong wala? Eh para kang sasapak ng tao kanina sa hitsura mo!"

Napakunot ang noo ni Chester, "Oo gusto kong suntukin kanina si Gideon sa inis ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga binitawang salita ni Chester.

"Dahil siya ang nagdisenyo ng mga suot mo at sa tuwing lalabas ka sa stage kanina at maglalakad palapit sa amin, gustung-gusto kong sapakin ang tatlong lalaki sa likod ko at dukutin ang mga mata nila dahil pinagnanasaan ka."

Nagulat ako na may mga ganoong klase ng audience na nakapasok sa event. Kaya pala galit na galit si Chester. Biglang napawi ang inis na kanina ay nararamdaman ko.

Humarap sa akin si Chester at saka ako hinila palapit sa kanya upang yakapin, "Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka."

"Uuwi ka pa ba sa Condo?"

"Hindi muna. Baka balikan ko yung mga hayup na yun at makapatay pa ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito, "Chester!!!"

"Mga bastos eh!"

"Kahit pa bastos sila, hindi naman tama na naiisip mong saktan sila. Eh kung makulong ka?"

Ngumiti ng bahagya si Chester at saka hinawakan ang baba ko, "Sorry, mahal ko."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon