Chapter 34

57 11 8
                                    

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Alarm ba iyon? Anong oras na ba? Sunod-sunod na ang ingay kaya kinapa ko ito sa side table ko para mai-off ang alarm. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata at ang nakita ko ay notifications sa Facebook, IG at Twitter ko. Nang tingnan ko ang oras napabalikwas ako sa pagkakahiga.

"Eight am na!"

Napatayo ako sa kama at agad na pumasok sa banyo para maligo. Biyernes naman ngayon kaya naisipan kong mag maong na lang at white baby tee na pinarisan ko ng white and light grey Adidas. Hinila ko sa cabinet ang naka-hang na grey blazer at saka dinampot ang shoulder bag at cellphone ko. Inabutan ko si mommy na nagkakape sa dining table.

"Mommy, na-late po ako nang gising," bati ko sabay halik sa kanyang pisngi para magpaalam.

"Hindi kita ginising kasi sabi ni Chester hindi ka papasok dahil pagod ka kagabi?" nagtatakang tanong ni mommy na mas pinagtakhan ko.

"Po? Hindi ko nga siya nakausap kagabi kasi hindi siya sumagot sa text ko."

Nagkibit-balikat si mommy, "Parang sigurado siya na pagod ka raw."

"Pagod nga ako, pero may pasok po ako today. Alis na po ako."

Swerteng nakasakay ako agad ng taxi paglabas ko ng gate ng subdivision. Habang nasa taxi, sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung anu-anong mga notification ang gumising sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. 50 Friends commented on your tagged photo, 25 persons want to follow you on Instagram, 30 persons commented on your tagged photo in Instagram, 40 persons requested to follow you on twitter.

"Ano bang meron?" bulong ko sa sarili ko. Agad kong pinindot ang FB App ko at doon ko nakita na naka-tag ako sa picture namin ni Marco sa red-carpet ng Publisher's Night. Post ito ng mismong event at may caption na: Nickelle Atienza and former child star Marco de Guzman slayed the red carpet. Binasa ko ang ilang comment.

Bagay kayo

Siya ba yung endorser ng clothing line ni Gideon Sanchez? Ang ganda niya sa long gown nya!

Si Marco de Guzman na ba iyan? Ang guwapo!

Maging mga kaklase ko noong highschool at college ay nag-comment din.

Nick, ang guwapo ng partner mo. Sino siya?

Alam ba ni Chester na may ganyan kang ka-guwapo na katrabaho?

Napailing na lamang ako sa komentong iyon kaya bnuksan ko ang IG ko. Pero hindi ko inaasahan ang mababasa ko rito.

Drew_Sandoval @IamMarcoDG and @Nickelle Puwede!

SHLocsin Are they a couple? They look good together.

Chester_Sy @SHLocsin Nope. She's my girlfriend. They just attended the Publishers' Night.

SHLocsin @Chester_Sy Oh I see. Sorry man. Peace!

Chester_Sy @SHLocsin Okay

Hindi ko na sinilip ang iba pang usapan roon, mas nag-aalala ako na sumagot si Chester sa nagkomento. Kunsabagay, wala naman siyang sinabing masama. Hindi ko na binuksan ang twitter account ko. Sinubukan kong tawagan si Chester pero unattended ang cellphone niya kaya nagtext na lamang ako.

Elle to Chester: Mahal ko, good morning! OTW na ako sa office. How are you?

Nakita ko na nagpost din ang IG Account ng magazine namin ng pictures namin ni Marco, and caption: Showbiz Mag Associate Editor Nickelle Atienza and GPEAC Advertising Director Marco de Guzman grace the red-carpet event of Publishers' Night.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon