Chapter 11

100 18 26
                                    

"Vanessa!!" Malakas at gigil ang boses ni Sir Paul.

Agad namang tumakbo papasok si Vanessa sa opisina ni Sir Paul. Isinara niya ang pinto.

Agad na sumilip si Layla sa akin sa gilid ng cubicle, "Ano kayang meron?"

"Ewan ko."

"I think the feeling great Vanessa, messed up big time!" pabulong na sabi ni Layla at saka bumalik sa harap ng kanyang desktop.

Natawa na lamang ako sa sinabi ni Layla. Makalipas ang ilang saglit ay lumabas si Vanessa sa opisina ni Sir Paul na laglag ang mga balikat at saka ito nagtungo sa opisina ni Ma'am Mitch.

Nag-ring ang telepono sa aking table at nang sagutin ko ay si Stan, "Nick, punta ka naman dito sa amin ipapakita ko lang yung mga layout ng cover."

Agad naman akong nagpunta sa kanya at ipinakita niya ang tatlong design ng cover.

"Anong masasabi mo?"

"Uhm, iyan na ba ang final na title ng cover natin?" Napakunot ako sa nabasa kong title patungkol kay Gideon.

"Iyan daw title ng article ni Vanessa. Hindi mo type?" pasimpleng tanong ni Stan.

"Parang hindi match sa personality ni Gideon..." napaisip ako, "Hintayin natin ang edited article."

"Yung lay-out, okay na ba sa iyo?" muling tanong ni Stan.

"Oo. Tatlo naman ang pagpipilian nila..."nahinto ako magsalita nang makita kong papalapit sa akin si Vanessa.

"Tawag ka ni Ma'am Mitch. As if may magagawa ka pa," padabog na sabi nito at saka umalis.

Nagkatinginan lang kami ni Stan.

Pagpunta ko kay Ma'am Mitch ay ipinakita nito ang article na isinulat ni Vanessa.

"Wala siyang nakuhang bagong information kay Gideon. Ang pangit pa ng title!!" inis na sabi ni Ma'am Mitch, "Nick, pakiayos yan please. Hindi yan pang Cover article."

"Sige po, ma'am."

"Nick, I need the article tomorrow morning."

Tumango ako at saka nagpaalam. Siguradong gulo ito dahil kailangan ko ayusin ang isinulat na article ni Vanessa. Pagbalik ko ng cubicle ko ay nakaabang na si Vanessa.

"Siyempre, magpapasikat ka. Pero tingnan ko lang kung may makuha kang information kay Gideon. Eh hindi nga ako tiningnan noon sa mukha kahit minsan habang ini-interview ko!"

Narinig ko ang paghagikgik ni Layla na nasa likuran ni Vanessa. Nilingon ito ni Vanessa at pinanlakihan ng mata.

"Paano kapag nagawa ni Nick iyan? Titigilan mo na ba siya, Vanessa?" Nakangiting sabi ni Layla sa kanya.

"Oo! Pero tingin ko hindi niya 'yan kaya dahil kailangan na ni Ma'am Mitch ang article bukas ng umaga," pairap pa itong tumingin sa akin at saka naglakad patungo sa kanyang cubicle.

"Parang gusto ko makipagpustahan," natatawang sabi ni Layla, "Ano, Flor? Sa meron ka o sa wala."

Napailing na lamang ako kay Layla. Tiningnan ko ang oras, 2:30 na ng hapon.

Nagtext ako kay Gideon para alamin kung busy siya.

Elle to Gideon: G, busy ka tonight?

Pero limang minuto na ay hindi pa rin ito sumasagot.

Elle to Gideon: G, sabi mo you're going to fix it. Bakit ako ang problemado ngayon?

Makalipas ang ilang minuto ay nag-ring ang aking cellphone at agad ko itong sinagot.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon