Chapter 18

73 11 7
                                    

"Kailangan ba talaga na ganyan ang suot mo?" Nakasimangot na pamumuna ni Chester sa damit ko.

"Ito ang inihanda ni G for today's event," pangangatwiran ko. I am currently wearing a simple black backless halter knee-length dress and black stiletto sandals para sa Anniversary Celebration ng Showbiz Mag na gaganapin sa C Events sa New Manila.

"Dapat ba siya ang masunod sa kung ano ang isusuot mo?" Inis niyang tanong.

"Chester, endorser ako ng clothing line ni Gideon at isa siya sa sponsor ng anniversary celebration ng Showbiz Mag." Naiinis na din ako dahil kanina pa kami dito sa salas at ayaw niya pang umalis para ihatid ako sa events place dapat yata hindi na ako pumayag nung alukin niya akong ihahatid at susunduin tonight.

Ayaw niya sa suot kong damit pero sa mukha ko lang naman siya nakatingin at hindi naman tinitingnan ang suot kong damit. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang dalawa niyang kamay. Tumayo siya at saka nagtungo sa kusina kung nasaan si mommy, sinundan ko siya at hindi ko na matanggal ang kunot ng noo ko. Kumuha siya ng baso at kumuha ng tubig sa water dispenser.

Nilingon ako ni mommy na busy sa niluluto niyang ulam, "Kanina pa kayo nagtatalo. Ano bang problema?"

"Ayaw po yata ni Chester ng damit ko."

Sinipat ni mommy ang ayos ko mula ulo hanggang paa. At saka ito lumingon kay Chester na tahimik na nakahalukipkip sa tabi ng water dispenser. "Eh di palitan mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Hindi ako makapaniwala na si Chester ang kinakampihan niya, "Pero mom, ito ang tinahi ni Gideon for me tonight."

"Ganun ba?" She immediately switched off the stove then she grabbed her phone from the counter and dialed a number, "Hi, Gideon! Good evening! May kasalanan ako sa iyo..... I was ironing the dress you prepared for Elle tonight and I accidentally burnt it..."

Nagulat ako sa ginawang pagsisinungaling ni mommy. Napatingin ako kay Chester na kasalukuyang nakangiti.

"Really? Okay then, sasabihin ko na dumaan sa iyo. Thank you for understanding, hijo." Pagkababa ng phone ay agad akong hinarap ni mommy, "Problem solved. Let's change your dress now tapos dumaan na lang kayo sa shop niya at doon ka magpalit. May iba pa daw siya doon na puwede mo isuot."

Sinamahan ako ni mommy sa kuwarto ko, nang maisara ang pinto ay agad niya akong hinila sa tapat ng salamin, "Kitang-kita ang niplet mo dahil manipis ang tela."

Namutla ako nang makita ito, "Hindi ko po napansin kanina kasi nagmamadali ako."

"Hindi lang masabi sa iyo ni Chester ang dahilan niya. Hindi ka ba naawa na pulang-pula na ang mga tainga niya kanina?" Natatawang sabi ni mommy. Binuksan niya ang cabinet ko at saka hinila ang white and silver sleeveless dress ko. "Heto na lang isuot mo at yung silver stiletto sandals mo. Kapag wala nagustuhan si Chester sa mga choices na ipapakita ni Gideon, yan na lang ang isuot mo. Siya rin naman ang gumawa niyan."

Napakunot ang noo ko, "Bakit po si Chester ang mag-a-approve?"

"Dahil wala ako. Lalaki si Chester anak, alam niya kung ano ang dapat mong isuot nang hindi ka mabastos."

Hindi na ako nakakibo. Tahimik kong sinuot ang dress at stilettos. Nang bumaba kami ni mommy ay wala na akong narinig na angal mula kay Chester. Dumaan kami sa shop ni Gideon at napili kong isuot ang black sleeveless surplice bodycon dress na above the knee ang haba. May manipis din itong silver sa bewang na nagmatch sa suot kong stilletos. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas at ipinakita kina Gideon at Chester ang damit.

"Perfect!" Nakangiting sabi ni Gideon. Tiningnan ko si Chester at tumango naman ito.

Agad kong kinuha ang damit ko sa loob at maayos na inilagay sa isang paperbag ng staff ni Gideon. Nauna na kaming umalis ni Chester dahil alas siyete ang call time ko. Pagkahatid sa akin ni Chester ay agad din siyang umalis.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon