Chapter 24

68 11 3
                                    


Masarap ang mga ngiti ni mommy habang tinitingnan sa phone ko ang mga pictures namin ni Chester nung dinner date namin. Kilig na kilig ito pati sa kung ano ang nangyari nung umaga. Nasa eroplano na kami papuntang Hong Kong at mahigit 30 minutes na rin kami nagku-kwentuhan tungkol doon. Lahat nang makita niya sa picture ay inuurirat.

"Anak, bakit hindi mo ipinost sa Facebook o sa Instagram yung pictures ninyo?" Takang tanong ni mommy habang iniinom ang tsaa niya na inabot ng flight attendant.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya, "Baka po kasi makita ni Tanya. Baka manggulo lang iyon."

"Anim na buwan na silang wala ni Chester, napakakapal naman ng mukha niya kung manggugulo pa siya sa inyo," ani mommy na tila naiinis nang marinig ang pangalan ni Tanya.

"Saka na lang siguro, mommy. Mabuti na wala siyang alam," seryoso kong sagot.

"Malalaman din naman niya," dagdag pa ni mommy.

Tumahimik na lamang ako at isinandal ang ulo sa headrest, kapag nalaman ni Tanya na nanliligaw sa akin si Chester, sigurado ako na magwawala yun at sasabihin niya na inagaw ko si Chester sa kanya. Ilang buwan nang tahimik ang buhay ko at ayaw ko ng anumang gulo. Baka kung ano pa ang gawin ni Tanya at sirain niya ang pangalan ko. Kahit hindi ako sikat, malinis na pangalan ko ang ipinagmamalaki ko. Lahat ng endorsements ko ay nakuha ko sa pagtatyaga namin ni mommy noon pumila sa mga VTR, dumaan ako sa normal na audition. Hetong kay Gideon lang talaga ang naiba pero si Gideon pa rin ang nag-alok sa akin na maging modelo niya. Nung hindi na ako tumangkad pa, nakuntento na rin ako sa modelling stint kong ito kay Gideon.

Makaraan ang dalawang oras ay lumapag na ang sinasakyan naming eroplano sa Hong Kong International Airport, inabot din kami ng halos isang oras bago tuluyang nakalabas sa airport. Agad din naming nakita ang sundo namin na assistant ni Gideon.

Pagdating namin sa hotel pinagpahinga ko muna si mommy sa kwarto namin at saka ako bumaba sa venue para mag-practice. Mga dati ko na ring nakasama sa launching ng collections ni Gideon dito sa HK ang ilan sa mga modelo kaya hindi na ako nahirapan makipagkwentuhan.

Mula sa stage habang naglalakad ako base sa utos ng director na naririnig ko sa aking earpiece, napansin ko na may pinagagalitan si Gideon sa dulong bahagi ng ballroom. Bihira ko siyang makita na ganito ang galit kaya napakunot ang noo ko. Napagalitan tuloy ako ng director dahil kitang-kita daw sa monitors ang expression ng mukha ko. Bilang ramp model, hindi kami pinapayagang gumawa ng face expression upang masiguro na ang atensyon ng mga manonood ay nasa damit lamang. Pinapayagan lamang ako ngumiti kapag huling damit na ang inirarampa ko at narating ko na ang center ng catwalk. Nakasanayan na namin na pagdating ko sa dulo ay aakyat si Gideon.

Pagkatapos ng practice agad kong pinuntahan si Gideon na tahimik na nakaupo sa gilid at nagmamasid.

"G, is everything okay?"

"Elle baby, hindi ko alam. Kinakabahan ako," sagot ni Gideon sa akin na nakakunot ang noo.

"Tell me, anong problema?"

"Kasi hetong si Laura, hindi lahat nadala ang mga damit mo na irarampa bukas ng gabi," nakasimangot na sabi nito at saka sinipa ang isang upuan sa harapan niya dahilan para lumingon ang ibang production staff sa amin.

"May naiwan ba sa boutique para maipadala ang mga iyon dito?"

"Meron, pinapaayos ko na lahat. Isasabay sa earliest flight mamayang madaling araw," nakasimangot pa rin si Gideon.

"Naman pala eh. Huwag ka na mag-alala. Magiging okay din ang lahat," I smiled and pat his back.

"Thank you," nakangiti nitong sabi. "Asan si mommy?"

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon