Chapter 13

100 19 18
                                    


Ilang Segundo ko pang tinitigan si Chester, ngunit hindi man lamang niya ako nilingon. Napakibit balikat na lamang ako at saka ko kinagalitan ang sarili ko.

"Diba magmo-move on ka na sa kanya?"

"Are you saying something, Ms. Elle?" Nagtatakang tanong ng assistant ni Gideon sa akin.

"Nothing. I was just blabbering."

At saka ako naglakad patungo sa restroom.

"Ms. Elle, just pull the hem of the bridal buddy I asked you to wear earlier, so you can pee properly."

Napahinto ako sa pagpihit sa doorknob at saka nagtatakang lumingon, "Bridal buddy?"

"Yes. The functional skirt under the gown," pagpapaliwanag nito.

Naalala ko bigla ang ipinasuot niyang net na palda kanina. Akala ko naman ay kung para saan yun.

"Okay, I got it. Thanks," dali-dali kong binuksan ang pinto at isinara ito.

Hinanap ko ang net skirt at hinila pataas. Naipasok lahat ng tulle sa loob. Napansin ko ang dalawang butas sa magkabilang butas kaya inilabas ko doon ang aking mga kamay para naman maibaba ang aking underwear. Kanina ay aburido ako kung paano ako iihi na ang kasama ko ay assistant ni Gideon, kahit naman babae ito ay nakaiilang pa rin na ibang tao ang kasama ko sa loob ng restroom. Bigla kong na-miss si Mommy. Siya ang lagi kong kasama sa mga fashion show ni Gideon.

Parang kelan lang noong una kaming nagkakilala ni Gideon.

Ilang buwan pa lamang noon ang nakalilipas nang mamatay si Daddy at kinailangan kong bumili ng damit para sa gagawin naming video presentation. Ako ang gaganap na news anchor at kakailanganin ko ng business attire.

Sinamahan ako ni mommy sa department store pero wala akong nagustuhan kaya inisa-isa namin ang mga boutique. Isang bagong boutique ang pinasok namin na karamihan sa mga ibinebenta ay business attire. Pagpasok ko ay agad akong namili ng dalawang dress. Nagsukat ako sa fitting room at saka ako lumabas para ipakita kay mommy.

"Anak, bagay mo!"

"Talaga po?" at saka ko binalikan nang tingin ang sarili ko sa salamin, "My, baka dapat may blazer ako."

"Sige hahanap ako?" Agad namang naghanap si mommy sa mga naka-hanger.

Napansin ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na polo longsleeves at grey slacks, nakatayo at tahimik na nagmamasid sa amin. Nginitian ko siya at nilapitan.

"Hi! Puwede mo ba kami tulungan?"

"Sure!" Nakangiti nitong sagot, "I'll be glad to assist."

Lalo akong napangiti sa warm vibes ng lalaki, "Kasi kailangan ko ng blazer for this dress. May partner ba ito or may masa-suggest ka?"

Agad itong pumunta sa mga naka-hanger na blazers at inisa- isa ito. Nang may mapili ay agad na bumalik sa akin dala ang dalawang blazer. Isang knitted cream blazer at isang knitted red, black and white.

"Try mo nga ito."

Isinuot ko ang cream blazer at pinagmasdan ang hitsura ko sa salamin.

"Hmmmm. Itong isa na lang."

Hinubad ko ang cream blazer at ipinalit ang red.

"Perfect!" Malakas na sabi nito.

"Anak, maganda nga iyan!" Natutuwang pag-ayon ni mommy.

Biglang pumasok ang isang lalaki sa boutique at tinawag ang pangalan ng kausap ko.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon