Chapter 41

49 13 5
                                    

"Sabay tayo maglunch mamaya!"

Narinig kong sabi ni Chester pero hindi ko magawang lingunin dahil busy ako sa mga binabasang update sa social media.

"Elle," pagtawad nito sa akin. Madiin ang pagkakabanggit sa aking pangalan at halata ang pagkainis sa tono.

Itinaas ko ang aking tingin, napansin kong nasa Ortigas na kami at saka siya nilingon. "Oo, sige."

Hindi man mawala sa kalsada ang tingin ni Chester, nakita ko ang pagtaas at baba ng kanyang dibdib para pakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. "Sana nag-stay na lang ako sa Australia."

Napakunot ang aking noo. "Bakit?"

"Mula noong umuwi ako, lagi kang busy. Bihira na tayo sabay kumain sa tanghalian, kahit weekend nagta-trabaho ka pa rin," nakanguso nitong sabi na parang bata na nagmamaktol.

Napangiti ako sa hitsura niya. "Mahal, alam mo naman na halos dalawang posisyon ang ginagampanan ko sa opisina ngayon. Ayaw ko naman na masayang ang pinaghirapan ko at mapunta lang sa iba ang EIC position."

Kumunot ang noo niya. Tila may gustong sabihin kaya nanatili akong nakatingin.

"Kailangan matuloy na yung lunch natin mamaya, kung hindi magtatampo na talaga ako," mahaba ang nguso nitong sinabi.

Imbes na dumiretso ito sa harap ng building ng opisina namin, lumiko ang sasakyan sa street patungo sa likod ng CCS Building at pumasok sa basement parking. Napatingin ako sa aking wristwatch, maaga pa naman. Baka gusto niya lang ihatid ako nang naglalakad.

Nang maiparada na ng maayos ang SUV at mapatay ang makina, humarap sa akin si Chester at parang bata na naglalambing. "Mahal, silipin mo muna opisina ko. Tulungan mo ako mag-design."

Hinaplos ko ang kanang bahagi ng kanyang ulo at saka ako ngumiti. "Kaya ko bang tanggihan ang tingin na 'yan?"

Agad lumabas ang malaking ngiti sa kanyang mga labi at nagmamadaling bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako. Pagsakay namin sa elevator, pinindot ni Chester ang 35th floor at saka ako hinawakan sa aking baywang. May ilang empleyado ang pumasok na napatingin sa amin ni Chester at saka titingnan ang kamay ni Chester sa aking baywang. Pagdating sa 35th floor, bumungad sa amin ang isang malaking reception at sa likod nito ay isang glass wall. Mula sa elevator ay kita ang iilang empleyado na nasa kani-kanilang cubicle. Iginiya ako ni Chester patungo sa malapad na pinto nang hindi inaalis ang kamay sa aking baywang.

"Good morning, Sir. Good morning, Ma'am," bati ng receptionist sa amin.

Tumango lamang si Chester kaya nginitian ko ang receptionist at binati rin. "Good morning!"

Pagdaan namin sa mga cubicle, agad nagtayuan ang mga empleyado at sabay-sabay na bumati. "Good morning, Sir. Good morning, Ma'am." Isang tango pa rin ang ibinalik ni Chester at nginitian ko naman ang iba.

Nang makalagpas kami, hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pagbulung-bulungan ng mga ito.

"Sino yung girl?"

"Siya yata yung bagong girlfriend ni CAS."

"Mas maganda run sa dati, yung maldita!"

"Model yata iyan."

Pagdating sa dulo, agad na tumayo ang isang babae na sa tingin ko ay Executive Assistant ni Chester at pinagbuksan kami ng pinto ng opisina. "Good morning, Sir. Good morning, Ms. Elle!"

Napangiti ako nang marinig ko ang aking pangalan. "Good morning!"

Nang maisara ang pinto, napatingin ako kay Chester. "Bakit alam ng EA mo ang pangalan ko?"

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon