Chapter 6

149 22 24
                                    

"Goodnight, Elle. Make sure na naka-lock lahat ng pinto," bilin ni Chester.

"Opo, tatay," pabiro kong sagot.

"Elle, hindi ako nagbibiro," malambing na sagot ng makulit kong bestfriend.

"Chest, gabi-gabi mo yang ibinibilin sa akin for almost a month na," pinilit kong pasayahin ang boses ko kahit na bigla akong nalungkot nang maalala ko na ang layo ngayon ni Chester sa akin.

Mag-iisang buwan na si Chester sa Surigao dahil kailangan niyang i-survey ang iniaalok na mining site sa kanilang kumpanya. Isa itong malaking project na ilang buwan na nilang pinag-aaralan ng kumpanya ng kanyang Papa kung dapat ba nilang tanggapin.

Si Chester ang ipinadala doon dahil bilang isang Geodetic Engineer sa kanya ipinagkakatiwala ng kanyang Papa ang ganitong bagay.

"Kung alam mo lang, uwing-uwi na ako. Nag-aalala ako sa iyo na mag-isa ka lang sa gabi at nagco-commute ka everyday," ani Chester sa kabilang linya.

"Sanay naman ako magcommute. Matulog ka na, diba maaga ka gumigising diyan?"

"Oo. Sige, I'll give you a wake-up call tomorrow," Sabi pa nito bago ibinaba ang kabilang linya.

Ilang beses nakipag-bargain si Chester kay Papa Charlie na kung puwedeng i-delay ang pagpunta niya ng Surigao dahil wala akong kasama sa bahay, pero kung gagawin nila 'yun ay posibleng mawala sa kanila ang billion-worth project na iyon.

Mula noong umalis si Chester, siya ang gumigising sa akin sa umaga at siya rin ang huli kong kausap bago matulog para siguruhing maayos ako.

Wala rin hinto araw-araw sa pang-iinis si Tanya sa akin. Ako pa rin ang sinisisi niya sa break-up nila ni Chester gayung nasa Bacolod ako nung maghiwalay sila. Alam kong mahal ni Chester si Tanya, imagine for 6 years siya ang nanunuyo kay Tanya sa tuwing nakikipagbreak sa kanya ang babae kaya nagtataka ako na kaya niya nang tiisin ito.

---

"Nick, sabay tayo mag-lunch," yaya ni Marco sa akin. Galing siya sa working station nila Stan at dumaan ito sa cubicle ko.

"Sige, saan tayo kakain?"

"Sa Megamall na lang, gusto ko ng Japanese food," nakangiti nitong sagot, "alis tayo ng eksaktong 12."

Napatango na lamang ako. Masaya itong umalis sa tabi ko.

Agad sumilip si Layla sa akin, "Nick, nakahahalata na ako kay Sir Marco."

"Ha? Saan?" naguguluhan kong tanong.

"Art Director siya sa advertising department, mas mataas pa posisyon niya kay Sir Paul, bakit ikaw ang lagi niyang niyayaya mag-lunch?"

"Lagi? Hindi naman," depensa ko.

"O sige, three times a week lang. At saka, bakit hindi ang staff n'ya ang yayain n'ya kumain?"

Napa-isip ako, "Si Sir Paul bihira din naman natin makasabay mag-lunch," pangangatwiran ko ulit.

"Basta napansin ko mula noong sinabi mo na magbestfriend lang kayo ni Chester, lagi ka na niyang niyayaya magtanghalian. Kapag kayo lang ba dalawa, pinapagbayad ka niya ng lunch mo?" muling tanong ni Layla.

"Ayaw niya pero last week naigiit ko na ako naman ang magbabayad ng lunch namin."

"See?" sabi ni Layla habang pinandidilatan ako. Magsasalita pa sana ito pero bigla kaming ipinatawag lahat sa conference room.

Napatayo kaming lahat. Agad ko kinuha ang aking notebook at ballpen at saka dali-daling sumunod kay Ma'am Mitch.

Isa-isang naupo ang lahat sa mga upuan na nakapaikot sa conference table. Nasa harapan si Angel, ang Circulation Officer at inaayos ang kanyang presentation.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon