Chapter 49

41 11 12
                                    

Today I would be kind to myself,
and start unloving you.

Matapos ko isulat ang ika-20 dahilan upang hindi na siya mahalin, kusang pinunas ng aking mga palad ang mga luha sa aking mga pisngi. Buo na ang aking plano, lalayo na ako kay Chester.

Maaga akong gumising at pumasok ng opisina. Sinimulan kong gawin ang aking turn-over plans. Inayos ko ang aking files at sinigurong madaling mahahanap ang lahat ng kakailanganin nila. Masakit para sa akin na iwan ang kumpanyang nagtiwala sa aking kakayahan ngunit kung mananatili ako rito, alam kong guguluhin ako nina Chester at Tanya. Mas mabuting lumayo ako para sa katahimikan naming mag-ina.

Kinakabahan akong pumasok sa opisina ni Ma'am Mitch at tahimik na inilapag ang aking resignation letter sa kanyang harapan.

Hindi niya hinawakan ang papel at tanging yumuko ng bahagya upang basahin ito ng mabilis at saka kunot-noong ibinalik ang tingin sa akin. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

Sinubukan kong sumagot, ngunit nang makita ko ang sakit sa mga mata ni Ma'am Mitch, minabuti ko na lamang na yumuko at umiling.

"Kung iyan ang gusto mo, hindi kita pipigilan. Ako na ang kakausap sa buong staff ng editorial para i-discuss ang resignation mo." Sa tono nang pagsasalita ni Ma'am Mitch, alam kong disappointed siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagbigat sa aking dibdib kung kaya't minabuti kong tumayo at marahan na yumukod ng bahagya upang magpaalam.

Pagbalik ko sa aking opisina, agad kong ini-lock ang pinto at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Pagkuwan ay pinunas ko ang mga ito at tinanggal ang pagkakakandado at saka naglakad patungo sa aking mesa upang tapusin ang iba pang ine-edit kong articles para sa April issue ng Showbiz Mag.

Sa loob ng ilang araw ay tahimik kong ginagawa ang aking trabaho. Nasa bakasyan si Layla kaya nagagawa kong magkulong sa aking opisina buong maghapon. Siguradong magugulat ito kapag nalaman niya ang aking desisyon pagpasok niya sa Lunes pero alam kong maiintindihan ako ng aking kiabigan. Sigurado akong susuportahan niya ako.

Narinig ko ang mahinang pag-ingit ng pinto ng aking opisina kaya itinaas ko ang aking tingin mula sa screen ng laptop na nasa harap ko. Nakita kong nakatayo sa pinto si Marco habang ang isang kamay ay nakapamulsa, isang tipid na ngiti ang pinawalan nito at saka tuluyang pumasok sa loob. Dahan-dahan itong lumapit sa kinauupuan ko at saka yumukod upang humalik sa aking pisngi at yumakap nang napakahigpit. Na-miss siguro ako. Tatapikin ko sana ang kanyang likod ngunit tila bigla bumabaliktad ang laman ng aking tiyan nang malanghap ko ang pabango ng lalaki. Agad ko siyang tinulak palayo at nagmamadaling tumayo mula sa aking swivel chair at mabilis na tinakbo ang banyo. Sinubukan kong pigilan ngunit ayaw huminto ng pagbaliktad ng aking sikmura lalo pa't patuloy kong naaamoy ang pabango ni Marco na ngayon ay hawak ang mga buhok ko at marahang hinahaplos ang aking likod.

"Ano bang kinain mo?" takang tanong nito.

Nagmumog ako at sinubukang tumayo ng maayos ngunit para akong nahihilo sa naaamoy ko. Inalalayan ako ni Marco na maupo sa couch at pinunasan nito ng tissue ang aking mukha at bibig.

"Marco..."

Agad pinutol ng lalaki ang aking sasabihin. "Gusto mo ba dalhin na kita sa ospital?"

Tinakpan ko ang aking ilong at saka umiling. Itinuro ko ang pinto. "Maligo ka at magpalit ng bagong damit. Ang baho ng pabango mo!"

Napakunot ng noo si Marco sa sinabi ko at saka lumabi. "Dati sabi mo mabango ito kaya heto na ang ginagamit ko lagi."

Nakuha pa niyang mag-inarte eh nahihilo na nga ako sa amoy. Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

"O-okay. I'll be back," ani Marco nang makita ang tingin ko sa kanya.

Mabilis itong lumabas ng opisina ko. Ipinikit ko ang aking mga mata baka sakali maibsan ang nararamdaman kong pagkahilo.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon