Chapter 37

50 11 16
                                    

"Hindi mo alam na nagkagulo kagabi sa The Prime?" Gulat na komento ni Layla na nanlalaki ang mga mata at bahagya pa itong nakanganga.

Napailing ako, "Bakit ba nagkagulo?"

"Hindi ba sinabi ni Chester kung bakit kayo umuwi agad kagabi?" Muling tanong ni Layla.

"Mainit ang ulo niya kagabi, akala ko dahil sa mga inirampa kong damit at swimsuit. Kaya sumunod lang ako sa kanya noong nagyaya na siya umuwi."

Bahagyang kumunot ang noo ni Layla ngunit hindi ito nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang kwento.

"Sa bahay na niya sinabi na kaya mainit ang ulo niya dahil sa may mga lalaking bastos habang rumarampa ako."

Napatayo si Layla sa couch, "Iyon lang ang sinabi niya?"

Napatango ako.

"I can't believe this! Sorry, Nick ha pero naiinis ako sa dyowa mo!" Pabagsak na umupo si Layla.

Tatanungin ko sana kung bakit ganun ang nasabi ni Layla pero hindi ko na nagawa nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at sumilip si Ivan, "Ms. Nick, pinapasabi po ni Sir Marco na paakyat na raw ng elevator sina Drew Sandoval at Jessa Mae."

"Thanks, Ivan. Salubungin namin sila."

Sabay naming dinampot ni Layla ang kanya- kanya naming cellphone sa center table at saka tumayo para salubungin ang mga bisita.

Sabado ngayon, pero nandito kami sa opisina para i-photoshoot sina Drew at Jessa na bibida sa remake ng Korean Novela na One Night Only. Kaya kahit pagod ako kagabi sa pagrampa, kailangan kong magtrabaho ngayon para siguruhing magiging okay ang photoshoot para sa cover ng April Issue ng Showbiz Mag at maging ang interview ni Layla sa dalawang stars ng telenovela.

Pagbukas ng elevator, lumabas sina Drew at Jessa kasunod ang kanilang mga PA na bitbit ang mga isusuot nilang damit sa photoshoot.

"Nickelle!" Masayang bati ni Drew at saka ako niyakap ng mahigpit.

"Drew! Kumusta?"

"Heto, guwapo pa rin!" At saka ito humalakhak.

Binalingan ko si Jessa na nakangiti sa amin. Ngayon ko lamang siya nakaharap ng personal, mas matangkad siya sa akin at balingkinitan ang pangangatawan. Half Filipina, half British kaya natural na blonde ang kulay ng buhok na bumagay sa bilugan at chestnut brown niyang mga mata, matangos na ilong at full lips. "Hi, Jessa! We are so pleased to have you here with us."

"Ah ganun! May pa ganun kay Jessa, sa akin wala?" Umiiling na sabi ni Drew na halatang nagbibiro lang dahil nakangiti naman ito.

"Siyempre! Hindi ka naman others!" Nakangiti kong sagot. "By the way, I want you to meet Layla, she's our Social Media Editor and she will interview both of you later for the cover story."

Matapos kamayan nila Drew at Jessa si Layla, niyaya ko na sila sa studio sa advertising department.

Agad inayusan ng hair and makeup artist ang dalawa.

Inuna ng photographer na kuhanan silang dalawa na magkasama. Tatlong set ng damit na pares ang kulay at style ang ipinasuot namin. Pagkatapos ay kinuhanan din ng solo pictures si Jessa habang si Drew ay nagpahinga sa isang tabi at kinakalikot ang cellphone niya. Maya-maya pa hinanap na ng photographer si Drew pero wala na ito sa kinauupuan niya kanina kaya lumabas ako ng studio para hanapin siya.

Saktong nakasalubong ko si Ivan palabas ng studio. "Ivan, nakita mo ba kung saan pumunta si Drew?"

"Parang dumiretso sa opisina ni Sir Marco," sagot ni Ivan sa akin.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon