Chapter 28

65 12 5
                                    


Dumaan ang Pasko at ilang araw sa opisina pero hindi ko nakita ni-anino man lang ni Marco. Maliban sa dumami ang pumapansin sa akin, wala naman nagtangkang magtanong o magparinig tungkol sa ginawa ng lalaki. Maging sina Candy, Angel at Vanessa na gustong-gusto akong asarin dati ay tahimik din.

"Mabuti naman tahimik ang three witches dahil kung hindi sasamain sila sa akin pagbalik ko," komento ni Layla sa akin matapos kong ibalita sa kanya ang pangyayari. Nakavideo call kami habang nag-eempake ito ng mga gamit nilang mag-asawa dahil pauwi na sila ngayon mula sa honeymoon sa Palawan.

"Siguro kung nandun ka hindi yun mangyayari," napalabi ako.

"Mangyayari pa rin yun kasi Christmas Gift nga n'ya 'diba? Pero sana kinausap mo man lang. Kaibigan naman natin s'ya," ani Layla na sinabayan pa nang pagtaas ng kilay nito dahilan para lalo akong makonsensiya.

"Alam ko naman na mali ako pero ginulat n'ya ako eh," pangangatwiran ko.

"Girl, surprise nga," sabi ni Layla at saka ako pinandilatan ng kanyang mga mata, "Alam mo naaawa ako kay Marco."

"B-bakit naman sa kanya ka pa naawa eh ako nga ang napahiya?"

"Sigurado ka ba na ikaw ang napahiya? Eh sa tingin ko mas napahiya siya dahil nakita ng lahat ang reaksiyon mo," inihinto sandali ni Layla ang ginagawa at saka ako tinitigan sa phone na akala mo ay kaharap ko lamang siya.

Tama nga siya, napahiya rin si Marco kaya siguro naglasing siya. Akala ko dahil lang sa hindi ko siya kinausap.

"Ayaw mo ba talaga sa kanya?"

"Ha? Ano bang tanong yan, Layla? Alam mo naman..."

"Alam kong si Chester ang mahal mo, pero girl, sayang si Marco. Mas guwapo at mas mayaman yun kay Chester!"

"Laylaa!!" Hindi ko napigilan na manlaki ang mga mata sa sinabi ng kaibigan ko.

Halos maningkit na ang mga mata ni Layla sa katatawa, "Sige ba-bye na. Baka ma-late kami sa flight namin pauwi. See you next year!"

Iyon lang at naputol na ang usapan namin. Bigla akong napatayo sa kama nang makita ko na 6:30 na ng umaga. Nawala sa isip ko na mamamalengke kami ni Chester ngayon. Agad akong naghilamos at sipilyo. Nagsuot ako ng itim na maong na pantalon, grey na t-shirt at crocs.

"Good morning, mom!"

Nilingon ako ni mommy na nagluluto ng sinangag at saka lumingon sa likuran ko, "Asan si Chester? Sabi ko tawagin ka para mag-almusal muna kayo."

"Hindi ko po alam. Nandito na siya?" Nagtataka kong tanong.

"Oo. Tawagan mo na nga baka bumalik sa bahay nila," utos ni mommy na agad kong sinunod.

Pagkakain namin ng breakfast agad kaming umalis. Hindi na namin isinama sila Mommy at Mama Bles sa dahil siguradong siksikan na sa palengke. Ipinalista na lamang namin lahat ng kailangan bilhin. Pagbalik namin, naging busy na rin kami sa kanya-kanyang bahay para sa paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon.

Naglinis muna ako ng buong bahay. Matapos makapananghali, nilinis ko naman ang aking kwarto. Past 3pm sinimulan namin ni mommy ang pagluluto para sa media noche.

Nagluto ako ng Prawn Thermidor at Spaghetti with Meatballs habang si mommy naman ay nagluto ng Seafood Paella. Nang masiguro kong okay na ang pagkakaayos sa mesa, umakyat ako para maligo.

Buhay pa si Daddy nakagawian na namin na salubungin namin sa labas ang bagong taon at saka papasok sa kanya-kanyang bahay. Dadalhin nila mama Bles sa bahay ang mga pagkain na niluto nila para ihain din sa mga niluto namin at sabay-sabay kaming magsasalu-salo.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon