Chapter 38

45 12 11
                                    

Pagkatapos ng photoshoot at interview kina Drew at Jessa Mae agad akong nag-message kay Chester. Mapilit kasi ito na susunduin ako at magbo-bonding daw kaming dalawa sa Condo niya at doon na rin ako matutulog ngayong gabi kaya naisip kong kakausapin ko siya mamaya tungkol sa hindi niya pagsabi sa akin ng buong pangyayari. Hindi ko matanggap na inabot ni Marco ang ganung sakit sa katawan para ipagtanggol ako kung may iba pa namang paraan para malutas iyon. Sana ipinatawag na lamang nila ang security para pinaalis ang tatlong iyon.

Dumaan muna kami sa supermarket para bumili ng ilulutong hapunan. Hindi rin naman ako pinayagan ni Chester na tulungan siya kahit sa paghanda man lamang ng salad. Magbasa na lamang daw ako ng libro na sinunod ko na lamang dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya.

"Mahal, ayusin mo na yung mesa matatapos na itong niluluto ko." Malambing na utos ni Chester.

Agad akong tumayo upang kuhanin ang pamunas sa lamesa. Naghugas ako ng kamay at saka ko kinuha ang dalawang plato, dalawang pares ng kubyertos at maayos na inihanda ang hapag kainan. Inilagay ni Chester ang bandehado na may kanin sa mesa, Mango and Kani Salad at grilled steak. Bigla kong naramdaman ang gutom. "Ang bango! Nagutom ako lalo!"

Ngumiti lang si Chester at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi. "Siyempre para sa mahal ko."

Nang matapos kami kumain, iniligpit ni Chester ang mesa at saka ako niyaya sa tabi ng balcony para magkape. Inilabas ni Chester ang dalawang slice ng sansrival cake sa refrigerator at inilapag sa coffee table. Hinila nito ang isang upuan at idinikit sa akin para pareho kaming nakaharap sa labas. Umihip ang malamig na simoy ng hangin, kaya dinampot ko ang mug ko at humigop ng mainit na kape.

Umakbay sa akin si Chester. "Mahal, may sasabihin ako sa iyo."

Malungkot ang tono ng pananalita ni Chester kaya napalingon ako. Seryoso ang mukha nito at may kung anong lungkot ang nababasa ko sa mga mata niya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan nito. "Naalala mo ba yung partnership namin sa Australian Mining Company?"

Tumango ako at saka ko dinampot ang platito na may cake.

"Kasama kasi sa contract na kailangan matutunan ng Filipino counterpart nila yung technology na gamit nila."

Napakunot ang noo ko. Kumuha ako ng kapiraso ng cake at saka ito isinubo kay Chester. Kumuha ako ulit at saka ko naman isinubo.

"Kahapon kinausap ako ni Papa na ako ang pupunta sa Australia para mag-training," ani Chester at saka nginuya ang cake.

"Wow! Hindi ba maganda yun para sa career mo? Bakit ka malungkot, mahal?" nagtataka kong tanong.

Lumabi ito at saka humigop ng kape. "Alam mo naman na ayaw kong nagiging LDR tayo."

"Mahal, okay lang naman yun. Siguro two weeks lang naman yung training na iyon," pag-aalo kong sagot sa kanya na sinabayan ko pa ng ngiti para mapagaan ang damdamin niya.

Umiling si Chester. "Mahal, 2-3 months daw yung training, may exam din iyon tapos magkakaroon ako ng certification."

"Three months?" Napatingin ako sa mga kumikinang na ilaw mula sa ibang building. "Three months..."

Naramdaman ko ang pagyakap ni Chester sa akin at saka niya isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. "Kakayanin ko bang malayo sa iyo ng ganun katagal?"

Nanatili akong tahimik. Three long months. Bigla kong tinanong ang sarili ko ng katanungan ni Chester. Kakayanin ko bang malayo kay Chester ng ganun katagal?

Inalis ni Chester ang pagkakayakap sa akin at saka humigop ng kape. "Sasabihin ko kay Papa si Engineer Dan na lang ang ipadala."

Napalingon ako sa kanya. "Sayang naman yung matututunan mo roon. Magkakaroon ka pa ng certification mula sa Australia."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon