Chapter 40

51 11 16
                                    

Miyerkules ng umaga. Nagulat ako sa pagpasok ni Layla sa opisina ko.

"Nick, nandito na ang July issue!" Sa kamamadali nito natisod ito sa carpet.

Napatakip ako sa mukha ko sa takot na makitang madapa ang kaibigan. Mabuti na lamang naibalanse niyang muli ang katawan.

"Layla naman, kamamadali mo muntik mo na halikan yung carpet," saway ko rito.

"Eh kasi nandito na yung printed copy ng July issue!" Excited itong iwinagayway sa mukha ko ang hawak na kopya.

"Binuksan mo na?"

"Hindi pa. Sabay tayo. Heto tag-isa tayo ng kopya." Sabay abot sa akin ng isa pang kopya.

Tinitigan ko muna ang cover, wala namang mali sa harap. Walang typo. Dahan-dahan kong tinanggal ang plastic nito at saka binuksan ang unang page. Tumambad sa akin ang Editorial Box at nanlumo akong makita na walang Editor-in-Chief. Naroon ang pangalan ko bilang Associate Editor at si Layla bilang Social Media Editor.

Napatingin ako kay Layla na nakatingin na rin sa akin at wala na ang kanina'y malawak na ngiti sa mga labi.

"Hindi pa pala binago ang Editorial Box," nanlulumong saad ni Layla.

"Okay lang yan. Nagpa-practice pa lang naman tayo. Malay mo next month." Laglag ang mga balikat na lumabas ng opisina ko si Layla. Iniikot ko ang upuan ko at humarap sa glass wall at pinagmasdan ang nagtataasang gusali sa harap ko. Siguro may dahilan si Ma'am Mitch kaya hindi pa ako ang EIC sa issue na ito, at dahil Associate pa rin ang posisyon ko, pareho pa rin ang position ni Layla. Posible ring may kailangan pa kaming patunayan.

"Congratulations!"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Marco. Nasa pinto ito at malaki ang ngiti sa akin.

"Para saan?" taka kong tanong.

"Maganda ang July issue."

"Totoo?"

Tumango ito at saka ipinakita sa akin ang IG account ng Showbiz Mag. Marami na ang nagkomento at nagreact.

"May ilan nga na nagsasabi na maganda ang bagong bihis ng Showbiz Mag." Kuwento pa ni Marco na halatang masaya sa feedback na natatanggap ng bagong disenyo ng magazine.

May ilan kasi akong binago sa cover na inaprubahan naman nila Marco at Ma'am Mitch. Maging ang pagkakasunod ng mga articles ay binago ko para masiguro na kahit hindi sikat na topic ay mababasa ng mga readers. Sa mga susunod na buwan, gusto ko ring magdagdag pa ng topics na siyang hahatak sa advertisers and readers.

Naupo sa harap ko si Marco at inilapag ang dalawang kape. Nagkakape pala siya?

"One Venti Coffee Latte for the future Editor-in-Chief," nakangiting sabi ni Marco.

"Thank you, Marco. Buti alam mo ang gusto kong kape?"

"I am not Marco if hindi ko alam yun." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Parang good mood ang lalaking ito.

"Marco, may gusto akong ipro-pose na dagdag na topic sa magazine," panimula ko.

"Prepare your proposal, then i-check ko kung maganda at saka natin i-propose kay mama," payo nito.

"Sige. Gusto ko na kasi isali sa August Issue."

"Go, Love! I am sure you can do that," sagot nito na ikinagulat ko lalo na ng sabayan niya ito ng kindat.

Is he flirting with me?

"Anong itinawag mo sa akin?" Kunot-noo kong sagot.

Ngumiti ito nang nakaloloko. "Wala." Tumayo ito at saka dinampot ang kanyang kape, "I'll go back to my office. I'll check on you later."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon