Chapter 50

44 12 15
                                    

Maingat kong ipinarada ang minamaneho kong Mercedez-Benz na SUV sa basement parking, dahil masikip sa kabilang side muli akong umatras at saka muling umabante. Tatlong ulit kong ginawa iyon hanggang sa matagumpay kong mai-gitna ang pagkakaparada ng sasakyan. Kinuha ko ang aking bag sa passenger seat at saka bumaba.

"Congratulations Nikki! You did it after four tries," pabirong bungad sa akin ni Peter habang ipinapakita ang kanyang apat na daliri.

"That's still an improvement, Pete. Soon, I'll do it swiftly," nakangiti kong sagot sa matandang parking attendant.

"Then, I will wait for that day. Have a good day today, Nikki!" maluwag ang ngiting sagot nito.

"Same to you, Pete!" sagot ko rito at saka sinigurong naka-lock ang sasakyan.

Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang top floor. Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang elevator, at agad kong tinungo ang aking opisina at sinimulang i-review lahat ng nakatambak na papeles na kailangang mapapirmahan. Bago mag alas-diyes ay bumaba ako sa 10th floor upang mag-attend ng meeting kung saan kailangan kong i-note lahat ng napag-usapan. Nang matapos ang meeting, ibinalik ko ang gamit ko sa aking opisina at saka lumabas ng building para sa isa pang meeting at mananghalian sa karatig na Italian Restaurant. Pagpasok ko ng restaurant ay agad akong binati ng waiter.

"Good afternoon, Nick! Mr. Green is waiting for you at function room three," anito at saka ako sinamahan patungo sa private function room kahit pa lagi naman doon ginaganap ang meeting. Nang makita ako ng manager ay agad itong tumayo upang magbigay ng respeto.

"Nick, here is our updated report for this month. Our sales seem to oscillate these past few weeks compared to last month, but everything is still fine," paliwanag ni Mr. Green.

Tumango lamang ako at saka binuksan ang report. Malinaw naman ang pagkakagawa. "I will get back to you after I review the report."

Tila nagulat ang manager dahil hindi ko inisa-isa ngayon ang laman ng folder kaya minabuti ko na lamang na magpaliwang upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan. 

"I am a bit in a hurry right now since I still have to attend to another meeting after this. The CEO will call another meeting if he wants to ask you something."

Tumango-tango si Mr. Green. "I see." At saka nito inimuwestra ang pagkain sa aking harapan. "Please enjoy your meal."

Nginitian ko ito. "Kindly close the door when you get out. I want to eat alone if you don't mind."

"Of course, Nick."

Iyon lang at iniwan na ako ni Mr. Green. Napatingin ako sa labas kung saan natatanaw ko ang kalsada, binusog ko ang aking mga mata sa pag-oobserba sa mga taong naglalakad habang ini-enjoy ang spaghetti at garlic bread sa aking harapan. Matapos ko kumain ay nagpaalam na rin ako at saka naglakad pabalik sa aking trabaho.

Pagdating ko ng opisina, inilagay ko ang hawak kong file sa mga kailangan i-review at saka naghanda para sa susunod na meeting. Paalis na ako ng opisina nang mag-ring ang aking cellphone.

"Mama.."

"Hello, sweetie. How was your day?" malambing kong bati sa aking anak.

"I just had a lonely lunch," sagot nito at nai-imagine ko na ang paghaba ng nguso nito. Alam kong aangal na naman ito dahil hindi ako sa bahay nagtanghalian ngunit tinanong ko pa rin ang dahilan ng kanyang pagkalungkot.

"And why is that?" pigil tawa kong tanong sa aking anak.

"You didn't come home for lunch." Parang matanda pa itong bumuntong-hininga. "...And I am missing Papa. When is he flying back?" malungkot na dugtong nito.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon