Chapter 16

84 13 9
                                    

Sa sobrang inis ko kay Chester, wala akong tulog magdamag. Inaamin ko nag-aalala din ako. Paano kung may nangyari pala sa kanyang masama? Naisip kong mali ang tumatakbo sa isip ko kaya kinatok ko ang side table. Alas kuwatro na pala.

Narinig ko ang makina ng sasakyan ni Chester, pasimple akong sumilip sa bintana pero iningatan kong huwag buksan ng husto ang kurtina. Nakita kong bumaba ito ng sasakyan n'ya at binuksan ang pinto sa sala.

Agad akong nahiga sa kama at nakiramdam, sinubukan niyang buksan ang pinto ng aking kwarto pero sinadya kong i-lock iyon kanina dahil nag-iisa ako sa bahay. Nang maramdaman kong tahimik na ang paligid, tila na hypnotized na rin ng kama ang mga mata ko.

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Agad akong naligo at nagbihis. Siguro tulog pa yun, ayaw ko siyang makausap.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at lumabas ng pinto pero laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Chester sa gilid ng kanyang SUV at nakaligo at bihis na din.

Nagkunwari akong hindi siya nakikita at nag-abang ng tricycle.

"Elle, sakay na."

Nagbingi-bingihan ako.

"Elle, isa!"

"Siya pa may ganang magbanta. Sino ba napuyat sa paghihintay sa wala?" pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Hindi ka talaga sasakay?"

"Hindi!" pabalang kong sagot at saka ko siya inirapan.

Muntik akong mapahiyaw nang bigla akong binuhat ni Chester.

"Ibaba mo nga ako!" Yamot kong utos.

"Hindi." Seryoso nitong sagot at saka ako iniupo sa passenger seat.

Isinara niya ang pinto at saka ito tumakbo paikot para sumakay.

"Look, I am sorry!"

Bahagya ko siyang tinalikuran at humarap ako sa bintana.

"Elle, sorry na. Nakalimutan ko magtext o tumawag sa iyo."

Ganun talaga kapag hindi ka importante sa isang tao. Walang pakialam kung namamatay ka na sa pag-aalala. Iyon sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko kaya. Sino ba naman ako? Bestfriend n'ya lang ako.

"Sana sinabi mo agad na hindi ka uuwi para hindi ako naghintay."

"Hindi na mauulit ito. Please, bati na tayo?"

Inilagay ko ang seatbelt ko, "Papasok ba tayo sa trabaho o mag-commute na lang ako?"

Agad na pinaandar ni Chester ang sasakyan. Tahimik ang buong byahe namin. Ilang ulit ko siyang nakikita na lumilingon sa akin pero nagmatigas akong huwag siyang tingnan. Sumisikip ang dibdib ko sa sama ng loob at gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Pagdating ng building nila Chester, eksaktong may naunang sasakyan sa amin ang papasok sa basement kaya huminto kami. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan.

Narinig kong tinatawag ni Chester ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Bumagsak na ang mga luha sa pisngi ko at hindi ko magawang pahintuin ang aking pag-iyak.

Nakayuko akong pumasok sa building at sa aming opisina. Wala pa si Liza sa reception dahil alas siyete pa lang ng umaga.

Habang nagta-time in ako, sumulpot si Marco sa tabi ko.

"Nick, bakit ang aga mo?"

"Wala," gumaralgal ang boses ko.

"Umiiyak ka ba?"

Hindi ako kumibo at tumalikod sa kanya.

Agad niya akong hinawakan sa aking braso, "Wait. Huwag ka dyan sa opisina n'yo. Halika dun ka muna sa akin."

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon