P R O L O G U E

179K 3.1K 1.9K
                                    

Tangled

Danger

The truth is often a terrible weapon of aggression. It is possible to lie, and even to murder, with the truth.

It was one of Alfred Adler's quote that lives in my mind for a long time. Ang katotohanan sa likod ng mapanglinlang na pag-ibig ay nakakabulag at nakakasakal. Ang mga kasinungalingang binuo ay nagsilbing bala para sa tunay na hangarin.

"You will file an annulment?" mababang tanong ng aking kinuhang lawyer para sa magiging solusyon ng aking problema.

Pumikit ako at halos ramdam ang nanginginig kong galit na unti-unti ng tinutupok ang aking kabuuan. Gustong gusto kong magwala sa matinding galit at pagkasuklam.

Hindi ko matanggap. Gusto kong itulak sa aking isipan ang mga naiisip ngunit nagtutugma ang mga iyon. My lips trembled with the taste of betrayal in my mouth as I swallowed hard.

Nagkabuhol buhol na sa aking isipan ang lahat lahat. Kahit saang anggulo kong tingnan, isang malaking sakuna ang aking napasukan.

Ang prinsipyong nagiging malinaw sa akin noon pa man ay unti-unti ng nagiging malabo. Paano ko ngayon ipaglalaban ang pagmamahal na sisira lamang sa aking prinsipyo?

I wanted to use the truth as my weapon to hurt him so bad. Gustong gusto ko siyang durugin ngunit sa tuwing naiisip ko ang lahat lahat, ako na agad ang nauunang mawasak.

Ang unang naging plano sa aking isipan ay umalis agad sa bahay ng aking asawa kaya iyon na agad ang aking ginawa pagkauwi. Hindi na tuwid ang aking pag-iisip at talagang nababaliw na ako. I need to breathe. Kung mananatili ako rito, baka ito na rin ang magiging libingan ko.

Kung malalaman niyang lalayasan ko siya, magwawala iyon. Ngunit kung nalaman niya ang aking rason, maiintindihan niya ang lahat ng ito, ang aking imposibleng kondisyon, at ang aking gusto! Damn it!

He'd rather ruin this marriage than favor my condition! I'm so sure of it.

I don't want to see him while I'm at rage! Ayoko siyang makaharap ngayon habang gulong gulo ang aking isip dahil parang hindi na magiging tuwid ang lalabas sa aking dila, hindi na magiging tama ang aking mga desisyon.

The right man... isn't always the right one. Everything right now is just so wrong! I am disgusted and disappointed for letting myself create a fairytale within this battle.

Wala akong interes sa kanya simula pa noong una kahit nahihimigan ko kung gaano ka interesado ang mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Alam ko kung sino ang gusto ko noong mga panahong iyon. Alam ko rin kung anong klase siyang lalake dahil sa mga naririnig kong mga kakilala. My heart knows he's dangerous. I am aware that falling inlove with him will create a disaster in my head.

Ang lumipas na mga taon na kilala siya ay unti-unting namamantsahan sa aking isipan dahil sa nakakabulag kong galit. I fell inlove with chaos itself! Para akong nahulog sa impyerno at nananalanging langit ang aking babagsakan kahit taliwas iyon sa katotohanan.

Masyadong detalyado pa sa aking isip ang lahat lahat. Did the fate plan all of these?

I pulled my baggage without realizing too much that I didn't put everything inside. May natatanaw pa akong mga gamit ngunit hindi ko na ginalaw dahil parang maaabutan niya ako.

Kamuntik pang matumba sa hagdan noong nagmamadaling bumaba at naunang gumulong ang aking bagahe pababa dahil sa aking taranta.

Binuksan ko ang pinto. Nakita ko agad ang nakaparadang kotse.

"Hello, Naia..." Ken flashed his smirk while leaning on his car wearing a white shirt, pants and shoes.

The button button of his shirt were open. You can really sense that he's a full package fuckboy.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon