23rd Tangled

61.8K 1.8K 640
                                    

Tangled

Puppet

Sabado na ulit noong nagkita kami ni Crius. May banda rin kasi siya ngayong gabi kaya nagpasya nalang akong puntahan siya mismo total natapos ko na rin naman ang aking mga gagawin.

Gusto ko ring banggitin sa kanya ang napag-usapan namin ng aking parents noong nakaraang mga araw. Nakalimutan ko iyong mabanggit kay Crius lalo na't masyadong masarap ang aming usapan at mahirap iliko sa iba.

Wala akong ideya kung anong klaseng party iyon. Maybe it was a business party. O baka naman may okasyon? Hindi ko alam lalo na't wala namang nabanggit si Mommy. Baka sakaling may ideya pala si Crius?

At ayoko na ring maulit iyong unang beses na nahuli niya pa kami ng kanyang kapatid na magkasama. Baka sakaling iba na naman ang kanyang isipin kaya mas mabuting banggitin ko nalang din sa kanya para wala na kaming pagtatalunan kung sakali mang malaman niya.

Mga eksaktong 7PM ay naligo na ako at nagbihis. I boredly tilted my head while choosing what to wear.

Nakita ko ang regalo ni Cassey sa akin last year. She told me to wear this kung makikipagdate ako o makikipagkita sa boyfriend. It's a black sweetheart crop top with a deep v-neckline.

Isinuot ko iyon at isang khaki trousers ang aking ibinagay sa ibaba. Pinasok ko ang itim na belt sa may baywang nito para bumagay sa kulay ng aking top.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Wala man lang akong suot kahit isang jewelry. Naghanap ako sa drawer box kung nasaan ko nilalagay ang mga regalong hindi ko pa nabubuksan.

I opened Chey's gift since she mentioned she bought me some earrings. Bumalandra sa akin ang dalawang pares na may simpleng diamond. Kinuha ko ang isa at itinusok sa kabila kong tainga. Akmang kukunin ang isa nang mapagtantong masyado ng marami kung dalawa. Isa nalang.

Isinuot ko lang ang aking crossbody bag at kinuha ang itim na swoosh cap nike saka lumabas na habang nakabulsang bumababa sa enggrande naming hagdan.

"Shit. Masyado ka naman atang maganda?" si Ken nang pinasadahan ako ng tingin at manghang mangha.

Isinuot ko ang cap at hinampas ang kanyang tiyan. Nalaglag ang kanyang panga habang pinapasadahan ako ng tingin.

Binuksan ko ang front seat lalo na't mukha ng lutang si Ken. Pumasok ako habang mukha pa rin siyang tanga sa labas.

"Tara na, driver..."

Ngumuso siya at naiiling na hinaplos ang buhok. Umikot agad siya sa driver's seat. Noong makapasok ay ngumingisi na.

"Swerte ni Crius... Ganda ng kaibigan ko," nangingiti niyang sabi habang binubuhay ang kotse.

Inabala ko ang sarili sa aking cellphone at nakita ang text ni Crius.

Crius:

I'll fetch you.

Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:

Ako na ang pupunta sa'yo. May trabaho ka pa.

Palingon lingon si Ken sa akin. At sa tuwing magtatama ang aming tingin ay iiling siya at ngingisi.

"Ang angas mo talagang tingnan. How can you act so cold while looking so hot, Naia?" Humalakhak siya.

Tanging ngiwi ang aking ginawa.

"The coldest girl I know is flirting a badboy. Wow... In the name of love..." Kinanta niya pa.

Sinipat ni Ken ng tingin ang screen ng kanyang cellphone at halos mapasimangot ng walang makita roon.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon