36th Tangled

57.9K 1.5K 340
                                    

Tangled

Wedding

"Huh? Magpapakasal kayo?! Pagkatapos ng shoot mo sa France?!" gulantang na tanong ni Cassey pagkatapos kong sabihin ang plano namin ni Crius.

Months after the issue, I started thinking our plans again.

"Are you out of your mind, Naia? They will not approve this once they found out about that-"

"Once they found out," paglilinaw ko sabay angat ng tingin habang inaasikaso ang pag-iimpake.

Natigilan siya at parang may napagtanto. Sinilip niya akong abala at tumulong sa aking gamit ngunit nasa akin ang mga mata.

"You're not planning to invite them? Our family? The Fortalejos? Our cousin, Delafuentes? Sila Tita Ellie?" medyo mabigat ang kanyang pagkakatanong.

Buntonghininga ang aking unang naisagot at inilagay sa bagahe ang natuping damit. Dapat nga ay noong nakaraang mga buwan pa namin naisipan ni Crius ngunit dahil sumabog ang problemang kinasasangkutan ng aking pinsan ay nagkagulo rin.

I'm worried for my cousin's safety. I'm worried for my family's safety. Nag-aalala rin ako lagi kay Cassey. Parang lumilipas ang mga araw na nabubuhay kami sa takot dahil sa nangyari. We... we almost lost her.

Dahil din sa nangyari ay napagtanto kong ganoon ka ikli ang buhay. Hindi mo malalaman ano na ang susunod at mangyayari sa dadaang panahon. You will never know what will happen so just try making memories out of it.

"It's just a simple wedding," I murmured while remembering the Month we planned to get married.

Pabagsak na nahiga si Cassey sa aking kama. She inhaled deeply. Ramdam ko ang seryoso niyang tingin habang suot ang kanyang nipis na night gown at nakikita ko pa ang nunal sa may parteng hiwa ng kanyang dibdib lalo na't bumaba ng kaonti ang kanyang damit.

"You really don't care about the chaos?" maingat ang kanyang pagkakabigkas na para bang ayaw niyang basagin ang aking kasiyahan.

What chaos? Magpakasal man kami o hindi, palagi namang may dadating na problema. And it has nothing to do with our relationship. It didn't stain our bond. Anzai... didn't mean to put us into trouble.

At ngayong lumulutang pa na may ibang pinaghihinalaan ang mga Delafuente ay mas lalo lang nagpapatunay na hindi mismo ang Castellano ang kanilang kalaban dito.

Ngunit hindi pa rin doon natatapos ang problema. The Fortalejos were taking actions, too. Kabilin-bilinan na huwag lalapit sa kanila, sa Castellano, dahil baka nasa amin ulit ang pupunteryahin.

Hindi na ako naniniwala sa bagay na iyon. Para bang malakas ang aking kutob na hindi na gano'n ka sahol si Anzai katulad ng iniisip ng lahat sa kanya.

"Fine... You're telling this to me because you want my help, right?" kalmado niyang tanong.

Noong una ay nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya ngunit siya ang naiisip ko ngayon na pagkatiwalaan sa bagay na ito.

Tumango ako sanhi para mapabangon siya bigla.

"Naia, oh my gosh... ako ang nap-pressure sa'yo! Hindi gano'n kadali ang preparation! It takes months! The designs, food tasting, your wedding gown, invitations-"

"Hindi ko kailangan ng magarbong seremonya, Cassey. Ang gusto ko lang ay maikasal kami. Kahit ikaw lang ang witness..."

Her eyes widened more. "What?! You're really putting too much pressure on me!" Pinaypayan niya ang sarili sa sobrang pagkawindang.

Bumuntonghininga ako. "A simple ceremony will do. Kami lang. Ikaw... bilang witness. I just want to marry him. You don't need to waste too much money since may ipon kaming dalawa ni Crius at nakalaan iyon sa mga ganitong plano namin."

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon