43rd Tangled

61.3K 1.5K 290
                                    

Tangled

Plan

"We're at the edge right now. I cannot believe this. Wala akong ipon man lang," halos problemado si Cassey nang mapagtantong pati sa pinansyal ay nangangapa na rin ang kompanya.

Ang pagkawala ni Tito Vincent ay nagdulot din ng malaking impact sa negosyo. It's dying. Bukod sa nawawalan ng investors at nagsilipat noong nawala si Tito, pati ay kliyente ay hinakot din pala agad ni Mr. Silva.

"Sa pera lang ako minsan humuhugot ng lakas pag stress ako. I can't even fly in New York to divert my attention for the mean time because we're already poor!" she ranted.

That's her coping mechanism. Mas nagiging magastos siya lalo na pag problemado siya o stress.

"That's why I'm telling you to work. Edi tingnan mo ngayon, kahit ipon ay wala ka," I said.

She whined dramatically infront of me. Si Cassey lang ata ang matinong nakakausap ko sa pamilya namin kahit alam kong ganitong problema rin ang kanyang isusumbong sa akin.

Medyo gumagaan ang loob ko sa tuwing nag-iinarte siya. Ayoko siyang nakikitang nagpapakalunod sa sarili naming problema dahil mas triple pa ata ang sakit na mararamdaman ko.

"Then... then I should work? What do you think? Can you suggest a nice job?"

"Model? Since you love the attention so much," I suggested.

Nag-isip isip siya at kinagat ang sariling kuko. I pulled her pulse just to stop her from doing it.

"Nakakahiyang manghingi ngayon sa parents ko, Naia. They're loaded. They're stress. Stress din ako kaya gusto kong kumalma muna kaso mas lalo akong nai-stress tuwing naalala kong wala na pala akong pera!" halos palakad lakad na siya sa aking harapan.

"Balita ko..."

She leered at me as soon as she realized what I'm about to say.

"I'm an independent woman!"

"Independent? Since when? It's your parent's money, Cassey. You're not independent."

She groaned aggressively and started walking again. Kalmado akong nakaupo sa sofa habang sinusundan siya na palakad lakad sa mismong harapan ko.

Sinasabi ko na nga ba't isa siya sa maaapektuhan kung sakali mang may nangyari sa kompanya. Her parents are spoiling her too much. Magarbo siya lagi at idagdag pa ang mga luho niyang walang pamantay.

The discussion went through until we heard our father's voices walking inside the house.

"They did us wrong first, Vince. Kung ako lang ang masusunod ay nagpautos na ako ng pwedeng magpatumba sa mag-ama na 'yan kaysa idaan ito sa legal na proseso. They killed Vincent!"

Natigilan si Cassey nang marinig ang pagsiklab ng kanyang ama.

"You should've use Mr. Silva's son to capture that motherfucker!"

"Calm down, Vlad," si Daddy na tinapik ang balikat ni Tito Vlad.

Kinabahan agad ako sa maaari nilang maisip sa oras na 'to. My father is rational but I know he's not soft, too. Kaonting bali lang ay kaya niyang sumang-ayon sa gusto ng kapatid kung nanaisin niya lamang.

"The Delafuente and Castellanos are trying to give a hand, too. Sadyang walang nakakaalam kung saan nagtatago, Vlad," si Mommy na natanaw kong nakasunod pala sa kanila.

"Bullshit!" si Tito Vlad na nawawalan na ng pasensya at nagtatagis ang bagang.

Tiningnan ko ng maigi si Daddy. Our eyes slowly met. Alam kong walang natirang simpatya para kay Crius ngunit nananalangin ako na sana ay katiting man lang may mailaan siya para rito.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon