33rd Tangled

60.7K 1.7K 430
                                    

Tangled

Introduce

"Hello! I will be your photographer for this shoot. I am Mario," anang photographer na bumungad sa akin sa loob ng pinasukang studio.

It was New Year when I agreed for a photoshoot since kasali ako sa kanilang campaign. Nagugulat pa rin ako lalo na't alam kong mabibigat na pangalan ang makakasabayan ko at kadalasan ay mga international models pa.

"Hello..." nagbigay ako ng ngiti para maging kalebel ang kanyang ngiti.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hinayaan ko siyang gawin iyon habang nagkakasalubong ang kanyang kilay at tila malalim na nag-iisip.

"I like your body proportion. Is this your first time or..."

"First time," agap ko.

Kumurap siya at tila namangha. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang aking katawan at tumatango tango na.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng studio. May mga iilang staff na abala sa kung ano ano at nakahanda na rin ang mga cameras at lighting.

Sinenyasan ni Mario ang isang babae na agarang lumapit sa amin bilang hudyat na aayusan na ako. Umupo ako sa harap ng salamin habang abala na ang dalawang babae sa aking mukha at buhok.

"Gorgeous..." nangingiting wika nang tiningnan niya ako sa salamin.

I only smiled. Lumilipad ang aking utak sa Pilipinas, kay Crius. I told him I'll have my photoshoot today at gustong gusto niya sanang manood kaso ang sabi ko ay huwag na dahil kakabahan lang ako lalo pag makikita ko siya.

Nakita ko ang presensya ni Mario sa likuran at kinakausap ang hairstyles.

"I want a natural disheveled hair..."

Tumango tango ang hairstylist habang si Mario ay napunta naman ang tingin sa make-up artist.

"Make her freckles looked more visible. But not too much..."

Mabusisi siyang magtrabaho. Iyon ang aking napansin. Mahalaga sa kanya ang bawat detalye ng kanyang modelo. Pinanood niya iyon ng ilang minuto at sa tuwing may hindi siya nagugustuhan ay talagang pinupuna niya.

He's a bit strict but he's calm and he's smiling at me. Iyon na lamang ang pampalubag loob sa akin at naiibsan ng kaonti ang aking kaba.

Nangingiting kumaway si Cassey sa akin nang magtama ang aming tingin sa salamin. Naroon sila sa sofa ni Chey. Sila ang nagpasyang sumama sa akin lalo na't ito rin ang magiging unang shoot ko para sa Calvin Klein.

Si Cassey ang pinaka hyper noong nalaman niyang nabigyan ako ng oportunidad para maging modelo ng Calvin Klein.

"Pangarap ko 'yan! 'Yung naka bra at panty lang o kahit nude photo!" aniya habang laglag panga sa balita.

Ngumiti agad si Chey at nilapitan ako para yakapin.

"Proud of you... Sabi na at bagay sa'yo ang pagmomodelo. Tanggapin mo, Naia..."

"Naia! Magagalit na talaga ako sa'yo kung hindi mo tatanggapin 'yan!" si Cassey na nakilapit din at sumimangot pa.

"Tinanggap ko at... pumirma na ako ng kontrata," sabi ko.

Their eyes widened. Tumili si Cassey at nakiyakap na rin. She was so loud and hyper! Imbes na mairita ay natawa na lamang ako ng bahagya dahil mas excited pa siya sa akin.

Kaya noong malaman niyang sa unang pasok ng buwan ng bagong taon gaganapin ang aking photoshoot ay hindi na talaga siya nagdalawang isip na sumama. She's even holding her phone to take pictures of me every seconds!

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon