19th Tangled

66.2K 1.9K 903
                                    

Tangled

Mask

"Sumasagot sagot pa." Nakapamaywang si Crius nang tinanaw ang pag-alis ng kotse ni Casen.

I can't imagine them together. Pakiramdam ko para silang aso't pusa pag pinagtabi. Si Crius na mainitin ang ulo, ang kapatid niyang nagsusungit din. Bonding siguro nila ang magbangayan?

Tinted na ang kotse kaya hindi namin nakikita ang loob.

Lumiliko na ito. At dahil bukas ang bintana ay natanaw namin sa loob, magkasalubong ang kilay at nakabusangot. Humalukipkip si Crius at itinagilid ang ulo para tingnan ng maigi ang kapatid.

Nag-iwas nalang ng tingin si Casen at bumusina na lamang para magpaalam saka pinaharurot ang kotse.

"What's wrong with you?" Pinaningkitan ko agad siya ng mga mata noong tiningala ko ito. "Nag-aalala 'yung tao kasi hindi ka umuuwi tapos hahampasin mo ng bulaklak?"

He rolled his eyes. "Wala 'yung pakialam. Nagpapaniwala ka sa nerd na 'yon."

Sinamaan ko siya ng tingin. Binasa niya ang labi at pilit na nag-iiwas ng tingin. Tiningnan ko ang hawak niyang bulaklak at nakita kung paano ito naging kaawa awa. Parang inalipusta ng ilang taon kaya nangangayayat na.

"Bakit kayo magkasama?" seryoso ang kanyang tanong ngunit nagdadahan dahan noong bumaba ang kanyang mga mata sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita nang mapagtantong nililihim ko sa kanya ang bagay na ito.

Ngumiti siya ng matabang at nailing.

"Kailan pa?" mas nahimigan ko ang tabang.

"Kinabukasan noong nasa kwarto kita," I explained calmly.

He froze a bit but he nodded again.

"So you two were talking huh?"

Napairap ako dahil parang may pinapalabas siya roon.

"Bakit? Ano bang gusto mo? Huwag na akong magsalita? What's wrong if I talked to anyone?"

Huminga siya ng malalim at mariing pumikit. Tumingala siya ng kaonti, para bang inaalis sa buong katawan ang galit at noong bumaba ang tingin sa akin ay unti-unti ng namumungay ang mga mata.

Inabot niya ang aking braso at hinawakan ang aking siko.

"Explain... I won't get mad if... if you explain." Dumaosdos ang kanyang kamay hanggang sa napunta iyon sa aking palad.

"Kasali sila sa party. Nandoon ang mga Silva. May naririnig akong mga rumors at kuryoso ako dahil Silva ka rin."

"Rumor about his other son? It will upset him if you talk about me." He smiled but it's bitter.

Hindi ako nakapagsalita. Pinag-aaralan ko ng maigi ang kanyang ekspresyon lalo na't nakikita ko ang sakit na dumadaan sa kanyang mga mata na pilit niya lamang kinukubli.

"You're dating him?" may tabang ulit sa kanyang tinig.

Nasa labas kami ng kanyang kotse. Ang ilaw na nanggagaling sa poste ang nagsilbi naming liwanag. Para kaming nasa spotlight habang madilim ang iilang parte ng paligid kaya mas lalong nadedepina ang kabuuan ni Crius.

"I'm dating you. What are you talking about?" Nanliit ang aking mga mata sa kanya.

Nagkibit siya at iniwas ang tingin.

"Hindi pa kita girlfriend kaya malaya ka pa." Ngunit tunog dismaya at irita ang boses.

"Mom invited them for dinner. Mr. Silva accepted it. Hindi kami ni Casen ang nagdesisyon no'n."

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon