32nd Tangled

66.6K 2K 1.7K
                                    

Tangled

Little Devil

"Gusto ko sanang lumipat na sa condo, Dad," sabi ko sa umagang iyon ng Lunes.

My father looked at me curiously. "Which condo? Your own condo or your boyfriend's condo?"

Binigyan pa ako ng idea ah?

Ngumuso si Mommy habang tahimik na ginagalaw ang pagkain. She supports my relationship with Crius. The drug issue doesn't bother her anymore. Noong una ay lagi siyang nag-aalala ngunit habang tumatagal ay napapanatag din naman siya.

At sino bang hindi mapapanatag kung halos araw-arawin sila ni Crius ng dalaw rito sa bahay para lang maiparamdam sa kanila na seryoso ito? My mother automatically liked him. Si Daddy naman ang hindi gaanong nagpaparamdam na gusto niya ngunit hindi ko rin nararamdamang ayaw niya.

Bukod sa alam ko na ang rason kaya pinapares nila kami noon ni Casen, malinaw rin sa bawat pamilya namin ni Crius na hindi matitinag ang desisyon naming dalawa.

"Mukhang ang kambal ang magmamanage ng Condominiums nila. Doon ka nalang siguro, Naia," ani Mommy.

"Baka gusto niyan sa condo ng boyfriend niya," si Dad na masyadong matabang ang tinig ngunit kalmado lamang.

"What's wrong with that, Vince? Bitter ka talaga," halos samaan ng tingin ni Mommy si Dad.

"I am not bitter. Ikakatuwa ko pa kahit mag-impake 'yang anak mo at lumipat na doon sa lalake niya." My father smiled but there's no humor on it.

Umirap si Mommy at itinuon ang tingin sa akin.

"Cassey has her own condo unit, too. Lumipat kana rin sa sarili mong condo, Naia," aniya, hindi na pinansin ang pagiging bitter ni Dad.

Tumango ako lalo na't iyon din ang napag-usapan namin ni Cassey. I even remember our conversation after my call with Crius on New Year's Day.

"Bakit ayaw niyong tumira sa condo? I got mine since last year! I personally told Daddy about it and he agreed. Ang weird naman kasi 'di ba kung may boyfriend ako tapos ipupuslit ko pa sa bahay? Ano 'yan? Maririnig nila ang mga ungol ko kung sakali mang-"

"Kadiri ka, Cassey!" natatawang binato ni Chey ng pillow ang aking pinsan.

Medyo guilty ako habang abala sa kakatingin sa aking mga kuko. Bakit ba hindi ko naisip na kumuha ng condo unit?

Oh right... I'm saving money. Magastos din kasi pag may sarili kang unit. You will pay for your own bills, buy your own food and such. Kaya rin talaga wala sa ideya ko noon. Iba naman si Cassey lalo na't talagang maluho talaga siya.

"It's true! You should have your personal space." Saka ako tiningnan ni Cassey. "Get one, couz."

Hindi ako nakakibo pero maganda ang suhestyon ni Cassey.

Namumula pa rin si Chey dahil bigla na lang tumalon ang topic ni Cassey sa kahalayan. She's asking things like losing your virginity and how does it feels like. With Chey's flustered face, I think she didn't experience it yet.

"Eh ikaw Naia. You're a psych student. Napag-aaralan niyo 'yan. Anong masasabi mo sa sinasabi nilang mas masarap daw kung walang condom?"

Napag-aralan? Well I experienced it at first-hand. Chey's face heated. Parang siya ang nahihiya sa mga tanong ni Cassey habang ako naman itong naalala agad ang una kong karanasan kay Crius.

Masarap naman...

"Tama na nga 'yan, Cassey!" pigil ni Chey na gumagapang na paalis sa kama.

Hinila siya ni Cassey at nakakaloko na ang ngisi.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon