46th Tangled

69.2K 2.3K 1K
                                    

Tangled

Done

Kuryoso ako sa natanggap na text. I have an idea who it was but I couldn't formulate an exact reason why he wants to meet me personally.

Did something happened? Kung si Mr. Silva ito, siguro ay may importante siyang aaminin dahil sa akin siya mismo dumeritso.

Or maybe he found out my clan were investigating and plotting an attack to lure him out on his own cave. What if this is just a bait, Naia?

Crius' voice echoed inside my head. I need to stay out of it, out of danger. I can sense the danger itself but the motivation to back down isn't enough to scare me.

Mas nanaig sa akin ngayon ang kagustuhang pumunta.

"Kumusta ang imbestigasyon, Dad?" tanong ko nang muling makaharap ang ama.

He looked more serious than the usual. Pansin ko ang ginawa ng trahedya sa kanyang pisikal. He's stressed.

"Gano'n pa rin," wala sa sarili niyang sabi habang abala sa tinitingnang papeles.

Should I involve my clan with this? Paano nga kung planado ito at mailalagay ko ang sarili sa kapahamakan? Hindi na nila kaya ang panibagong trahedya sa aming pamilya. It will break them into pieces.

Natigil si Dad sa ginagawa at mukhang naramdaman ang aking malalim na pag-iisip. He shifted his eyes and looked at me curiously through his glasses.

"What's the matter?"

Agaran akong nakabalik sa sarili. Umiling ako at binasa ang labi. Tiningnan ko ang pinagkakaabalahan niyang papeles at nakita ang nirereview niya na sales ng kompanya.

It's steady. Hindi gano'n ka baba ngunit hindi rin gano'n ka taas. Mukhang unti unti ng naiaalis sa hukay ang kompanya ngunit nahihirapan pa ring ibalik sa itaas.

"Nothing, Dad..."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. He looked at me suspiciously.

"You sure?"

Tumango ako. Haharapin ko nalang siguro ito ng mag-isa.

"Naia are you out of your mind!" pahisteryang bulyaw ni Cassey habang nanliliit ang mga mata sa akin nang sinabi ko sa kanya ang natanggap na mensahe.

"I need to talk to him, Cass," kalmado kong sabi habang nakahalukipkip at pinapanood siyang nakatayo sa akin.

Nasa penthouse niya kami. Tanaw ko sa likuran ang magandang view lalo na't transparent wall ang nasa harapan at nakahawi ang kurtina.

"I know you're fearless but one careless move and you will put yourself in danger!" she snarled.

"Kaya nga sinasabi ko ito sa'yo para kung sakaling natagalan man ako ay pwede kang humabol agad at magdala ng back-up," I explained.

Nanliit lalo ang kanyang mga mata sa akin. Yumuko siya at nakapamaywang.

"Heto kana naman! You're putting pressure on me again! I am not as fearless as you, Naia! I'll panic! Baka wala pang isang minuto ay magpapasugod na ako ng maraming back-up!"

Ngumiwi ako. That's the first thing she will do. I know.

Tumayo siya ng tuwid at nahipo ang ulo.

"Bakit ba sa akin mo ito sinasabi? How about our clan-" Natigilan siya at mukhang may napagtanto. "You don't trust them?"

Malamig lamang ang naibigay kong tingin sa kanyang mga matang naninimbang sa akin.

"How about your Mom, Naia?"

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon