17th Tangled

66.6K 2.1K 556
                                    

Tangled

Date

"Nagkabati na kayo, lovebirds?" nakangising tanong ni Anzai nang umupo kami sa kanyang table.

He's drinking rum. Nakapangalumbaba si Crius sa may mesa. Namamahinga ang aking kamay sa kanyang hita kung saan niya dinala at ipinagsalikop ang aming mga daliri.

Natanaw ko ang paglalakad noong kaibigan ni Crius sa aming table. Messy na ang naka ponytail na buhok at yumayakap ang isang pulang dress sa kanyang katawan kagaya noong ibang babae na mukhang nagt-trabaho rin dito.

She tilted her head and chuckled. Nagulat ako ng kaonti dahil biglaan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Ang ganda mo talaga. Nagmomodelo ka ba?" tanong niya habang titig na titig sa akin.

Binasa ko ang labi at umiling. Ngumisi siya at tumabi kay Anzai. Mapangmanipula ang kanyang ganda at senswal pa ang ngiti kaya hindi ko halos maalis ang tingin sa kanya.

"Sayang naman. Parang bagay ka sa gano'n," aniya.

Crius smirked. "Pamatay kasi ang ganda..."

"Kaya ba patay na patay ka rin sa kanya?" Nag-angat ng kilay si Anzai.

Ngumisi rin ang kanyang babaeng kaibigan, ang tingin ay namamalagi sa akin minsan.

Ako ang kanyang kinakausap habang si Anzai at Crius naman ang seryosong nag-uusap. Hawak pa rin ni Crius ang aking kamay, nakasalikop iyon sa ilalim ng mesa habang namamahinga na sa kanyang hita.

I'm paying attention too much with Crius' friend. Nakukuryoso ako sa kanya. Naka polish ang kanyang mga kuko at sa tuwing ngingisi siya ay nababalandra ang mapuputi niyang ngipin. She's licking her lip in a slow yet sensual matter without trying hard to look hot. At sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay ngingiti siya sa akin ngunit palagi kong nararamdaman na parang may harang sa kanya.

Ken:

Naia makakatay ako ng ama mo. Let's go home.

Iyon ang text ni Ken noong dumungaw akong muli. Sinabi ko kay Crius ang bagay na 'yon. He even insisted to take me home ngunit papunta na sila Ken.

Noong natanaw naming dalawa sa labas ang dalawang kotse na paparating ay dumidilim ulit ang kanyang ekspresyon.

"Magkakapitbahay lang kami. Pumasok kana at ayokong magramble ulit kayo," sabi ko lalo na't nakikita ko na humihinto na ang kotse.

Tumagilid ang ulo ni Crius at naging matalim bigla ang tingin doon. Noong sinundan ko ng tingin kay nakita ko na si Hiro na ang kanyang katitigan. Nakahilig ito sa bukas na bintana at may hawak na sigarilyo. Hiro tilted his head and smirked. Bumuga ng ngisi si Crius ngunit naglalaro ang delikado at panghahamon doon.

"This motherfucker... I should've punch him more until he can't smile. I still regret it," sabi niya habang pumipinta sa mayabang na ngisi ang iritasyon.

I sighed. Lumabas si Ken sa driver's seat. Nangingiti siyang kumaway kay Crius habang lumalapit sa amin.

"Pinagalitan ko na ang pinsan ko, pare... Gago kasi 'yon. Pagpasensyahan mo na sana," ani Ken nang tinapik ang balikat ni Crius.

Kinausap pa ni Ken saglit si Crius. Talagang ramdam ko kung paano niya sinisiguradong hindi siya kasali sa galit nito kay Hiro. Kalmado na ito kaya patango tango nalang kay Ken. Mukhang naibunton niya na ata lahat ng kanyang galit kay Hiro at nakakalimutang si Ken ang una niyang kinaiinisan.

Hindi na lumabas si Wayt at Hiro sa kotse. Siguro ay umiiwas na rin kay Crius dahil alam nilang mainit pa ang dugo nito kay Hiro.

"Aalis na kami," sabi ko.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon