47th Tangled

78.2K 2.1K 1K
                                    

Tangled

Sunrise

I don't care anymore. We already did our part. Sapat na iyon para tumayo naman ako sa sariling pamilya ko. Sa tabi ni Crius.

"Vince," I heard Tito Vlad's voice.

Nilingon ko ang sarili kong ama. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makitang umiiyak ako. My mother was already crying when she saw my swollen eyes. Umiling ako nang magtama ang aming mga mata.

Hindi ko napansin kung kailan sila dumating. Hindi ko rin alam kung narinig ba nila ang lahat. But with their reaction, I think they were there when I lost my composure.

Tiningnan ko ang iba pa. They don't need to worry anymore.

"I will not tangle this mess to our family name because I will turn myself into a Silva. Again."

Nalaglag ang panga ng lahat. Cassey smiled proudly and nodded. Matapang kong tiningnan si Tita Autumn.

"And yes. I am still inlove with my ex-husband. I am willing to build another family with him. I am willing to carry his last name. Again."

Natahimik silang lahat. I can feel their curiosity but no one dared to ask. Nanahimik ako ng ilang taon. Hinayaan ko silang pag-isipan si Crius ng masama. Ngunit hindi ko sila hahayaang saktan siya ng harap-harapan.

"Hindi ako mapapagod na umuwi sa kanya," ulit ko sa mas klaro at matapang na tinig.

Crius' jaw clenched. He couldn't speak, too. I tiptoed and kiss him. Mababaw lamang ang aking ibinigay, sapat na palatandaan na handa ko siyang piliin ngayon at ipaglaban sa harap ng pamilya ko.

"Hindi ko hinihiling na tanggapin niyo si Crius at unawain ang lahat ng ito ngunit sana ay huwag niyo ring hilingin sa akin na mamili," sabi ko nang muli silang tingnan.

"Hindi ka pinapapili, Naia," si Daddy na seryoso ang tingin sa akin.

Nilingon siya ni Tito Vlad. Sinenyasan niya ang dalawang pulis na lumayo sa amin.

"He's innocent," my father declared.

"Vince," alma ni Tito Vlad.

Lumingon si Daddy sa kanyang kapatid.

"She's my daughter, Vlad. If she trust him then I have to trust her choices."

"Is he proven innocent? How can we make sure she's in safe hands, Vince? He's a Silva," si Tita Autumn na may pagdududa pa rin.

"He's a Silva but he's not a criminal, Autumn. We should stop shaping someone base on our own judgements. The more we label them inside our head, the more we'll create a bad impression about them. Mabubulag tayo habangbuhay kung pinairal natin kung sino sila sa ating mga mata kaysa tingnan ang kanilang pagkatao sa kung sino talaga sila."

Natahimik silang lahat. They couldn't hide the guilt in their faces. Nakayuko si Tita Ellie, medyo nagsisisi, si Tita Autumn na umiiwas ng tingin at si Tito Vlad na natahimik.

"Pakiuwi na muna ang anak ko, hijo. Umuwi na kayong dalawa," si Mommy sa garalgal na boses.

My father looked at me. Nagkatinginan agad kami. His jaw clenched as his eyes painfully watched me.

Binawi ko ang tingin at yumuko. Kumapit ako sa braso ni Crius. Wala naman akong hinihiling sa kanya ngunit ang sunod niyang ginawa ay nagpagulat sa akin.

Kinarga niya ako. Hindi ko alam kung pagod na ba akong magreklamo o tahimik kong pinagdadasal ang ganitong pagkakataon.

Itinago ko ang aking mukha sa leeg ni Crius habang nagsisimula na siyang maglakad. I am too tired to look at them. I am too tired to seek for validation just to be accepted. Nauunawaan ko kung hindi nila kayang tanggapin ang desisyon ko at sana ay unawain din nila ako.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon