10th Tangled

63.6K 2K 655
                                    

Tangled

Sentimental

Nagiging kulay kahel na ang langit. Mabagal lamang ang pagpapatakbo ni Crius. Abala ko sa pagrereply sa text ni Cassey.

Cassey:

The driver told me you pulled this guy's hand and sumakay ka sa kotse niya. Oh my God! May lalake ka! Sino 'yan? Manong told me hindi raw Delafuente!

Nawala sa isip ko kanina ang driver! Kaso noong maisip ko na ano namang bigdeal? It's like my parents will murder me once they knew if I'm in a relationship or what. Matutuwa pa ang mga 'yon.

Itong bunganga lang din kasi ni Cassey ang pinoproblema ko. She'll spread it without gathering more facts about me. Basta basta na lamang ipapakalat at hindi lilinawin kung totoo ba o hindi.

Ako:

Secret.

"Who's that? Your fucking friend?" kalmado ngunit irita siya sa kanyang tanong.

Umiling ako sa mabagal na paraan lalo na't lumabas agad ang panibagong reply ni Cassey.

Cassey:

Bitch!

Hindi ko na 'yon nireplayan pa. Binuksan ko ang bintana at hinayaang makapasok ang malamig na hangin.

"Saan tayo pupunta?" Crius asked.

Humilig ako sa bintana at pumikit. Sumabog agad ang aking buhok habang hinahalikan na ng hangin ang aking mukha.

"Hmm... Anywhere..."

Nahimigan ko ang pagbilis ng kanyang pagmamaneho. Hinayaan ko lamang ang aking sarili habang tinatamasa ang kalmado kong nararamdaman.

Dumilat ako at kuryosong inilabas ang aking kamay. Pumwesto si Crius sa pinaka gilid nang walang makasagip na kotse sa aking kamay. He's paying attention with my actions...

Naiisip ko tuloy kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman sa akin. I can sense that he likes me ngunit nahihimigan ko rin na hindi gano'n ka lalim. He's probably taking it slow?

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kay Crius lalo na't nangingibabaw sa akin ang pagiging delikado niya. That he's a danger zone. Iyon din kasi ang umukit sa aking isipan kaya sa tuwing tinatangka ko ay may humihila agad at pumipigil na lumagpas.

Or maybe I am analyzing our friendship too much. Maybe I'm just being too cautious. Kung hahayaan ko ang aking sarili, alam kong mas magiging malalim ito. Obviously I like his company. It's calm. I can almost rest on his arms. Kahit irita ako sa kanya minsan ay nangingiti ako sa paraang nagpapagaan ng aking isip at loob.

Tumigil kami sa Ayala Triangle Gardens. Naunang bumaba si Crius. Binuksan ko rin ang pinto. Nagmamadali pa ito at siguro ay balak akong pagbuksan ng pinto ngunit naunahan ko na.

Binuksan niya na lamang ang back seat at kinuha ang kanyang leather jacket. Ibinigay niya 'yon sa akin.

"Do you want to..."

Tumango ako at kinuha 'yon para suotin. Binasa niya ang labi at namulsa sa aking harapan habang nakatitig sa aking galaw. Noong hindi makapaghintay ay tumulong na rin siya sa pamamagitan ng paghila sa aking kamay.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon