14th Tangled

58.2K 1.9K 635
                                    

Tangled

Silva

"Hija, you didn't sleep?" kuryosong tanong ni Mommy nang tingnan niya ang aking mga mata.

"Umalis ka ba kagabi?" si Dad.

Umiling ako habang tahimik na nag-uumagahan. Lumilipad pa ang isip ko. Kahit ngayon ay parang multo ang konsensya na talagang hindi tumitigil sa pagpaparamdam.

"By the way. We got invited. May party tayong dadaluhan. You know Vincent's business. It's growing," si Dad.

"Sino ba ang mga imbitado?" kuryosong tanong ni Mommy.

"Mr. Silva is there," si Dad.

Silva? Why does it sounds familiar. Mom's eyes widened. Her reaction snatched my interest since Crius is a Silva, too.

"Then it's a grand party? You know that man is very picky when it comes to party. He doesn't socialize with small names when it comes to business."

Tumango si Daddy.

"May anak ba 'yang lalake, Dad?" kuryoso kong tanong lalo na't baka ay kamag-anak ni Crius o may koneksyon sa kanya.

"Ang alam ko dalawa ang anak nito. Kaso palaging bunso ang dinadala. May kumakalat na balita na basagulero raw ang panganay at na involve pa sa drugs," si Daddy na umismid.

What? Wala pang binabanggit na pangalan ay parang si Crius na agad ang aking naiisip. Hindi naman sa mukha siyang adik ngunit sigurado akong pasok na pasok siya sa pagiging basagulero.

"But that issue didn't escalate since 'yung isang sindikato raw na kaibigan ng anak ni Mr. Silva ay mabigat ang koneksyon. You know the power of these wealthy sons of CEO's..." si Mommy.

Sindikato? At kaibigan? Is that... Anzai? Kahit walang pangalan ay parang naiisip ko agad na baka drug dealer ang isang 'yon.

Close ang dalawang 'yon. Si Anzai ang nakikita kong nakakapagbiruan pa kay Crius ng gano'n. And Anzai is so hype everytime I'm there, like he knows Crius' secrets kaya gano'n siya lagi.

Ang pangit din naman kasi kung tatanungin ko pag nakita ko iyong muli 'drug dealer ka ba?' that's too embarrassing. Baka ma-offend 'yon.

"Baka nga sinisiraan lang talaga..." si Mommy na naiiling.

"Kung sinisiraan man, may posibilidad na nagd-drugs din talaga. Alam mo naman minsan ang mga anak mayaman. They're too bored to spend their money kaya pati drugs..." si Dad na mapanglait.

"You're too much, Vince. Hindi naman lahat gano'n," si Mommy na taga salungat.

"I don't like these kind of boys. Stay away from them. Mas mapagtitiisan ko pa itong playboy na kaibigan mo kaysa itong mga lalakeng ganito ang background," si Dad nang magtama ang aming tingin.

It's not probably Crius. Kahit hindi naman gano'n ka kilala, parang may pinanghahawakan ako na hindi na siya gano'n ka sahol.

"'Yung isang anak ni Mr. Silva, Naia. Sobrang gwapo lalo na't half din ang pamilya nila. Mukhang third year 'yon, Vince?" nalilito niyang tanong nang bumaling kay Dad.

"Si Casen?" si Dad.

Tumango si Mommy at muling lumingon sa akin. "Matalino at dean's lister. 'Yun din ang mukhang tagapagmana ni Mr. Silva na hahalili sa kanya sa kompanya lalo na't wais."

"Ilang taon na?" tanong ko na ikinaangat agad ng kilay ni Dad.

Si Mommy naman ang nag-isip isip. "Mukhang twenty? Twenty-one?"

Tumikhim si Daddy at uminom ng tubig. Noong ibinaba ay direkta na ang tingin sa akin.

"Being a playgirl isn't really nice, Naia. I agree with your Mom. Isa lang dapat."

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon